Sunday, April 22, 2012

Anne Curtis at Jasmine Curtis Smith, Kino-Compare Kina Ara at Cristine

Naikukumpara ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine-Curtis Smith sa mag-sister na Ara Mina at Cristine Reyes na nagkakagulo ngayon.

Malayung-malayo raw sina Jasmine-Anne kina Ara-Cristine.

Simula’t sapul daw kasi ay close na sina Anne at Jasmine kahit daw hindi pa artista ang huli. Lalo na raw nu’ng pumasok sa showbiz si Jasmine, mas na­ging malapit pa ito sa kanyang Ate Anne.

Kung hindi raw matatawag na ‘idol’ o ‘maipagmalaki’ ni Cristine ang kanyang Ate Ara, wala raw sawa sa pagsasabi si Jasmine na ‘proud’ siya sa ate niya at ‘idol’ niya ito.

Kumpara kay Cristine na may financial support mula sa kanyang Ate Ara noon, si Jasmine raw ay hindi naman pinag-aaral ni Anne, pero mahal na mahal ng dalagita ang kanyang Ate Anne.

Nang matanong kasi si Jasmine kung ang Ate Anne ba niya ang nagpapaaral sa kanya, sumagot naman ito na ang parents niya ang sumasagot ng kanyang studies. Pero kung ano raw ang pangangaila­ngan ni Jasmine, handa naman siyang tulungan ng kanyang Ate Anne.

Sabi nga ni Jasmine, minsan nasusorpresa siya sa Ate Anne niya sa mga ibinibigay nito sa kanya.

Pinipigil na nga raw ni Jasmine ang Ate Anne niya na magbigay ng mga kung anu-ano, pero ang sagot nito ay baby raw siya nito kaya dapat lang na i-pamper siya nang husto.

Medyo may ilang buwan na namang hindi magkikita ang magkapatid dahil iiwan uli ni Jasmine ang showbiz para tapusin ang kanyang high school sa Australia.

Hindi nag-aalala si Jasmine na kahit ilang buwan siyang walang trabaho ay masusuportahan pa rin niya ang sarili.

Isa si Jasmine sa iilang mga talent ng TV5 na gua­ranteed ang contract. Ibig sabihin, kahit hindi siya magkaroon ng teleserye ay patuloy siyang sumusuweldo sa kanyang TV network.

Hindi diretsahang inamin ni Jasmine ang tungkol dito pero nakita namin sa expression ng mukha niya ang kumpirmasyon sa magandang privilege na ibinibigay sa kanya ng TV5.

Tumawa lang nang malakas si Jasmine sa tanong namin kung ang suweldo ba niya sa TV5 ay in dollars o peso?

Sumagot na lang ito na masaya siya sa pag-aala­laga sa kanya ng TV5 at suporta ng mga ito sa kanyang career.

Samantala, may sagot si Jasmine sa tanong ng press kung bakit sa ganda niya ay parang walang nanliligaw sa kanya. Sagot niya, dahil hindi siya naka-base dito sa ‘Pinas.

No comments:

Post a Comment