Thursday, May 24, 2012

Gerald Anderson Pinayuhan si Sarah Geronimo

Na-corner namin si Gerald Anderson sa isang event at marami ngang naka-miss sa kanya pagkatapos ng serye niyang Budoy. Nang matanong ang aktor kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan, “Nagsa-start po kami ng indie (movie) at si Jake Cuenca ang kasama ko. Malapit na ipalabas yun. We are really excited, yung excitement sobrang nandun na kaya sana magustuhan ng mga tao.”

Hindi na rin nakaiwas si Gerald sa mga tanong tungkol kay Sarah Geronimo. Kamakailan nga ay may mga lumabas na balitang nakakatanggap diumano si Sarah ng mga death threats dahil sa closeness na meron sila ngayon. Hindi diumano tanggap ng ilang mga fans ito. “Siyempre po napagdaanan ko na yan. Para sa akin huwag masyadong mag-dwell sa ganung klaseng threat sa ganung klaseng sitwasyon. I guess by now expected na rin kahit ayaw natin, siguro sa ngayon wala tayong magagawa.”

Sa isang presscon ni Sarah, very vocal naman ang dalaga sa pag-aming si Gerald ang inspirasyon niya sa kasalukuyan at nang kunin namin ang reaksiyon ni Ge tungkol dito, “Wow! Like I have said galing din sa akin yan na open din ako na sobrang espesyal talaga siya para sa akin at grabe yung inspirasyon na binibigay niya sa akin. Kahit na minsan hindi kami nagkakasama pero just thinking about her napapangiti ako.”

Inamin din ni Gerald na nandun na sila sa puntong lumampas na sila sa “getting-to-know-you” stage at kung anuman ang meron sila sa ngayon ay ine-enjoy lang nilang dalawa ni Sarah. “So yung feeling na ito is something that I would cherish, no pressure. Walang pressure sa kanya, walang pressure sa akin, we are just happy, happy kami. Lumampas na kami dun sa getting-to-know-each-other pero mas gusto pa namin makilala ang isa’t isa. Sobrang napakaswerte ko talaga na nakilala ko siya.”

Kinuha din ng Push ang reaction ni Gerald sa sinabi ni Sarah na ngayon lang siya nakakita ng ganung paggalang sa mga magulang niya na sina Mommy Divine at Daddy Delfin. “Alam mo actually nakakagulat yan kasi unang-una yun ang tamang paraan. Pangalawa sobrang marespeto talaga ako sa Nanay niya, sa Tatay niya, sa buong pamilya niya… I am just really very thankful for everything na nakilala ko siya na nakapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa kanya, sobrang thankful ako dun. Si Sarah marami po siyang goals sa buhay niya, marami pa siyang gutsong gawin and para sa akin I will try my best na suportahan siya and that all I can ask for.”

Sa palagay ba ni Gerald nandun na sila sa punto ni Sarah na ‘closer than ever’ ang kung anuman ang namamagitan sa kanila? “Oo naman! Mas malalim po talaga yung pagkakakilala ko sa kanya at sana ganun din sa akin. Mas marami na siyang alam sa akin pero mas marami pang dapat alamin pa tungkol sa isa’t isa.”

No comments:

Post a Comment