Thursday, May 31, 2012

John Lloyd Cruz, Nagsalita Na About Shaina and Angelica Panganiban

Sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa Pilipinas noong Lunes, May 28, mula Austria kung saan nag-shoot sila ng upcoming teleserye nila ni Bea Alonzo, tinanong ang aktor hinggil sa mga isyung kinasangkutan niya, gaya ng pagkaka-link niya kay Angelica Panganiban at paghihiwalay nila ni Shaina Magdayao. “Wala po akong aayusin. Wala naman akong kailangang sagutin at this point, anything personal, wala,” sagot ni John Lloyd. “As far as I’m concerned lahat ng issues sa personal life ko is perfectly fine, not fine but settled.”

Nang diretsa siyang tanungin kung masaya ba siya sa kalagayan ng buhay niya ngayon, ang maiksi niyang sagot, “We’ll get there.”

Tumanggi naman si John Lloyd na magkomento tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Shaina after their breakup. “Siguro this time [I’d rather] not talk about her anymore, parang medyo wala sa lugar, wala sa panahon.”

Sa isyu namang inili-link sila ni Angelica, ang pahayag ng aktor, “Hindi na ‘yan surprising para sa akin, kumbaga parang expected na. Tama na, tama na. Kahit siguro anong pag-usapan natin tungkol sa (TV) project [with Bea, payag ako] pero hanggang dun lang ako.”

Very proud din si John Lloyd sa natapos nilang pagti-taping ni Bea sa Austria para sa kanilang upcoming teleserye. “Alam mo ang gusto ko lang [i-share na] napakaganda ng mga nagawa naming eksena,” simula ng mahusay na aktor. “Para lang makapagbigay kami ng isang magandang palabas dahil siyempre nagbabalik kami sa TV so hindi puwedeng bitin ang ibibigay namin.”

Bilib na bilib din ngayon si John Lloyd sa ka-love team na si Bea dahil sa estado ng kanyang personal na buhay. “Ibang-iba na ang pag-iisip niya ngayon. I’ve never seen Bea so happy and content. Sobra siyang masaya lang, walang kahit anong negative na makukuha sa kanya, sobra siyang happy and inspired and positive about life.” Hindi man nagdetalye pero sa mga pahayag ni John Lloyd ay nagpapahaging siya na malaki ang kinalaman ng masayang love life ni Bea with boyfriend Zanjoe Marudo para positive ang disposisyon ng aktres.

Kuwento pa ng binata, kitang-kita kay Bea ang page-enjoy niya sa kanyang trabaho dahil mukhang inspirado. Matagal ding hindi nagkatrabaho ang dalawa para sa teleserye. “Sobrang happy niya. Noong nandun kami sa Vienna (Austria), sobrang masaya ako para sa kanya kasi kitang-kita ko sa kanya ‘yung happiness, ‘yung contentment. Talagang nagu-glow siya,” papuri niya sa kanyang leading lady.

Bukod sa kanilang teleserye, gumagawa rin ngayon sina John Lloyd at Bea ng pelikula. saglit na nahinto ang shooting dahil sa kanilang teleserye subalit itutuloy na raw ito ngayong nakabalik na sila.

Bukod pa rito, ay gumagawa rin ng pelikula si John Lloyd with Sarah Geronimo na ikatlong pelikula nila together.

No comments:

Post a Comment