Thursday, May 31, 2012

Gerald Anderson, True Love na Hinintay ni Sarah Geronimo

Sa naging panayam namin kay Gerald Anderson, balita-balita ang balik-tambalan nila ni Kim Chiu. Natanong ng Push ang reaksiyon ni Gerald sa naging pahayag nito ni Sarah Geronimo na, “True love is not jealous.” At ang nangingiting sagot ng binata, “Which is true. True love isn’t jealous. Basta ako, ulitin ko po no pressure from the both of us, ine-enjoy lang namin yung feeling ngayon.”

Malakas na rin ang ugong-ugong na matagal nang magkarelasyon ang dalawa at sadyang tinatago lamang nila ito. “Well ako naman kasi ang masasabi ko po sa inyo ng diretso hindi po talaga kami, and as much as gusto kong sabihin yun na kami well hindi. Kung magiging friends lang kami or magiging kami either way, I am a very lucky guy at yun muna ang iisipin ko, iche-cherish ko muna ang moment na ito, yung moments na paminsan-minsan nakakasama ko siya sobra po akong thankful for that.”

At dahil nga galing na mismo kay Gerald na hindi pa sila talaga magkarelasyon ni Sarah, bukas pa ba siya na may makilala at maka-date na iba pang mga babae dahil single pa rin naman siya kung tutuusin. “Alam mo mahirap sabihin yun e kasi on that side ng personal buhay ko naka-focus po ako kay Sarah and like I said kung anuman ang magiging ending namin, kung maging friends man kami o maging kami, sobra pa rin akong thankful at ngayon ineenjoy ko itong moment na ito at ayaw ko siyang sirain.” Dagdag din ng binata sa nararamdaman nilang dalawa sa estado ng kanilang relasyon, “Gusto ko lang namnamin yung feeling. Yun no pressure talaga, wala din akong karapatan na para pigilan siya kung may gusto siyang i-date and vice versa. I am single, si Sarah is single we are just happy kung ano yung relationship namin sa ngayon.”

Sinagot niya rin ang tanong na kung sa palagay niya ba ay siya na ang true love na hinihintay ni Sarah, patanong din ang isinagot ng binata dito, “Sinabi niya ba directly na ako yung true love niya?”

Pero pinaninindigan ng binata na para maalagan ang kung anuman ang namamagitan sa kanila ng Pop Star Princess  sinisikap nitong pribadong pangalagaan ang nangyayari sa kanilang dalawa. “Tulad ng sinabi ko sa mga dati kong interviews nga there is a part of me para sa mga fans, sa mga audience, at meron din na para sa atin lang at yung tanong na yan that’s just for me.”

No comments:

Post a Comment