Sunday, May 27, 2012

Kathryn Bernardo, Pinatunayang Kaya Nyang Magdala ng Sariling Show

Nakahinga na raw ng maluwag si Kathryn Bernardo sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kanyang teleseryeng Princess and I. “Nasu-sustain namin sa primetime [ang mataas na ratings] so maraming-maraming salamat sa mga tumanggap sa amin,” laking pasasalamat ng young actress.

Dahil sa magandang reception sa teleserye, sinasabing napatunayan na raw ni Kathryn na kaya niyang magdala ng sarili niyang show. Pero sinabi ng aktres na team effort ang nangyari kaya successful ang Princess and I. “Of course, nakatulong din naman ang three leading men ko and of course, si Miss Gretchen Barretto at si Sir Albert Martinez.”

Unang nai-launch ang kanyang dating kasama sa Mara Clara na si Julia Montes na bida ngayon sa Walang Hanggan, at sinasabing nakakahabol na muli si Kathryn ngayon sa kasikatan ni Julia. “Actually, sinasabi nila before napag-iwanan, I think hindi ‘yun ang right word kasi parang nauna lang siyang (Julia) i-launch na mag-isa, so para sa akin okay lang [ang naghintay], may plano ang management. So ngayon thankful na lang kami kasi magkasunod pa ‘yung show namin sa primetime. ‘Yung mga fans ng Mara Clara before, after akong panoorin, si Julia naman. So ‘yun, sinusuportahan lang namin ang isa’t-isa, wala sa amin ang paangatan o nakahabol na sa career,” mahabang paliwanag ni Kathryn.

Samantala, hoping pa rin naman si Kathryn na muli silang magkakasama ni Julia sa isang proyekto in the future. “Sana magkaroon ng chance after ng projects namin. Open pa rin ‘yung communication [naming] or magkikita kami paminsan-minsan, kahit ‘yung schedule super busy or sa ASAP, dun kami nagkikita-kita.”

Dahil sa magandang takbo ng kanilang career, ay pinagtatapat ang dalawa pero sa kabila nito ay nanatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan. “Hindi naman [maaapektuhan ang friendship] kahit kelan.”

No comments:

Post a Comment