Tuesday, May 1, 2012

KC Concepcion is Pressured sa Kanyang New Movie with Anne and Derek

Sisimulan nang gawin ni KC Concepcion ang pelikulang Nothing Compares To U para sa Viva Films. Makakasama niya rito sina Anne Curtis at Derek Ramsay. 

Aminado si KC na may pressure at kaba siyang nararamdaman sa pagsasama nilang tatlo, lalo’t may napatunayan na sina Anne at Derek sa takilya.

Ang pinagsamahan nilang No Other Woman, with Cristine Reyes, ang isa biggest box-office hits last year. Dahil dito, kinoronahang Box-Office King si Derek, at Box-Office Queens naman sina Anne at Cristine.

Sabi pa ni KC, “Hindi ko naman isi-secret na mayroon talagang pressure.

“Siyempre mga Box-Office King and Queen ang mga yun and I watched No Other Woman.

"And talagang more than anything, gusto ko lang i-focus ang energy ko sa gagawin ko.

“Kasi more than anything, ‘pag naunahan ka ng kaba kaysa performance, siyempre na-experience ko na rin na nauna yung pressure and in the end, ayoko, parang waley [slang for wala]!

“Ang ganda rin na may challenge and may pressure kasi kahit papaano, on your toes ka palagi and hindi ka puwedeng mapag-iwanan."

Sexy and daring ang No Other Woman kaya't tinanong ng PEP si KC kung handa na ba siyang magpa-sexy at magpaka-daring.

“’Wag na nating planuhin. ‘Pag sinabi ni Direk [Nuel Naval], sige i-try ko lang.

“'Pag naitawid, okay, naitawid siya," sabi ni KC.

No comments:

Post a Comment