Tuesday, May 1, 2012

Piolo Pascual on Sharon's TV 5 Program

As if naman papayagan si Piolo Pascual ng ABS-CBN pero, sinagot ni Megastar Sharon Cuneta kung may tsansa bang i-guest niya sa kanyang bagong programa sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid si KC Concepcion.

“I’d rather guest KC, she’s under Viva anyway,” sabi niya.

Sa kabila ng gulo, Piolo has maintained his silence na siyang ikinagagalit ng publiko na naniniwalang entitled sila sa panig ng aktor. Hindi komo sikat siya ay wala na itong katapusan. Naniniwala ang ilan na bilang pagtanaw ng utang na loob ng aktor sa media, kailangang magbigay siya ng pahayag. Lalo’t may mga proyekto siyang kailangang ipromote. Tulad ng bago niyang pelikulang Every Breath You Take kapareha si Angelica Panganiban.

Pero bilang pangangalaga sa kanya ng Star Ci­nema, sa presscon ng nasabing pelikula niya, ipinagbawal ang pagtatanong ng mga walang ki­na­laman sa pelikula bagaman at nakaringgan siya ng mga salitang : “I guess may mga bagay na kailangan tayong gawin na naayon sa pagkakataon na ibinibigay sa atin. Ang sa akin po, I guess I’m just going with the flow. Nagtatrabaho ako, kung ano ang pinagagawa sa akin, yun ang gagawin ko. Kung anuman yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po ‘yun. At you deal with it as you go through it. Sa akin po, in time siguro.”

No comments:

Post a Comment