Tuesday, May 1, 2012

Tickets for Sarah's 24/SG Now Available

Available na simula ngayon, Martes, May 1, ang tickets para sa birthday concert ni Sarah Geronimo sa July 7, Saturday na gaganapin sa Big Dome (Smart-Araneta Coliseum) na pinamagatang 24/SG.

Kakaibang concert ang inihahanda ng Pop Princess bilang blowout na rin niya sa mga fans at lahat ng taong nagmamahal sa kanya, isang concert na hindi pa napapanood, ayon sa big boss ng Viva Concerts na si Mr. Vic del Rosario.

Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah na ngayon ay kinikilala nang isang mahusay na host dahil sa tagumpay ng kanyang programang Sarah G. Live sa ABS-CBN na consistent sa No. 1 slot tuwing Linggo ng gabi.

Ilang beses na niyang napuno ang Big Dome, at ngayon muli niyang patutunayan na siya ang concert queen ng kasalukuyang henerasyon.

Pero ayaw pang magbigay ng detalye ni Boss Vic para sa 24/SG.

Kilala ring fashionista si Sarah kaya siguradong bonggang-bongga ang kanyang mga susuutin.

No comments:

Post a Comment