Saturday, June 2, 2012

Bianca Manalo May Inamin sa Hiwalayan Nila ni John Prats

Kinumpirma ni Bianca Manalo na hiwalay na sila ni John Prats matapos ang halos pitong buwan nilang relasyon.

Sa panayam ng Bandila, inamin ni Bianca na si John ang unang nakipaghiwalay.

Tumanggi naman si Bianca na sabihin ang tunay na dahilan pero itinanggi nitong ang Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia na kasama ni John sa "Banana Split" ang dahilan ng hiwalayan.

Sinasabing ang di umano ay pagiging sweet ni John at Sunshine ang dahilan ng di umano ay madalas na pagtatalo ni John at Bianca.

Sinubukan ng Bandila na makausap si John hinggil sa isyu pero tumanggi ito.

Sa hiwalay naman na panayam, iginiit ni Sunshine na walang katotohanan ang isyung nag-uugnay sa kanya kay John.

Ani Sunshine, talagang  malambing lang si John, pero walang namamagitan sa kanila.

"Sweet si Pratty, mahilig siyang mang-asar kumbaga siya yung taong hindi ka mahihirapang pakisamahan."

Nakikiusap din ang Sexbomb dancer na huwag na siyang idamay pa sa isyu ng  hiwalayan.

"Ako kay Bianca nahihiya ako sa kanya kasi hindi ko alam kung paano lumabas ang balitang ito as in wala akong idea."

No comments:

Post a Comment