Saturday, June 2, 2012

Gerald Anderson Excited na sa 3rd Movie Nila ni Sarah

Excited na si Gerald Anderson umpisahan ang shooting ng ikatlong pelikula nila ni Sarah Geronimo, hindi lang dahil mapapadalas na naman ang kanilang pagkikita kung ‘di makakatrabaho rin niya sa kauna-unahang pagkakataon ang certified box office director na si Cathy Garcia-Molina. “Yun ang isa sa mga rason talaga kung bakit ko tinanggap [ang proyektong ito]. Of course yung story din [nagustuhan ko], pero nung nalaman ko na si direk Cathy ang magdidirek, ayaw ko naman sayangin yung opportunity. Alam ko sa sarili ko na marami akong matututunan sa kanya.”

Forte kasi ni direk Cathy ang paggawa ng romantic comedy films tulad ng A Very Special Love at My Amnesia Girl. Pero kahit likas na magiliw si Direk Cathy, kilala siyang istrikto sa artista pagdating sa set. Maging si Sarah ay makakapagpatunay nito, pero hindi ito alintana ni Gerald. “Personally, that’s something I really look for. Sa bawat proyekto na ginagawa ko, gusto ko iba-iba yung ipinapakita ko. At isa ‘yan sa mga ginagawa ng director, ang ilabas yung range ko sa pag-arte. Si direk Cathy mismo nagsabi sa akin na she’s going to demand a lot at ipu-push niya ako [to the limit].”

Dagdag naman ni Sarah, gagawin daw nila ang lahat upang mas pagbutihin ang bago nilang pelikula. At siguradong mas kikiligin ang manonood sa tambalan nila ngayon. “Especially sa part ko, halos pare-pareho yung genre na ginagawa ko [which is] romantic comedy. Yung comment ng iba, parang ano yung bago na makikita sa akin. Si Gerald nakita na natin yung iba-iba niyang talento sa pagarte, heavy drama kayang-kaya niya ‘yan. Pero ito po, hindi mawawala yung rom-com. Hindi naman kasi pwede biglain and yun din ang hinahanap ng tao sa amin, yung ma-entertain sila. Kailangan lang ang challenge magawa namin ng iba.”

No comments:

Post a Comment