Saturday, June 2, 2012

Daniel Padilla Handang Pakasalan si Kathryn Bernardo

Sa naging panayam ni Carmina Villaroel kay Daniel Padilla sa Showbiz Inside Report, sinabi nitong willing siyang pakasalan ang ka-love team na si Kathryn Bernardo. Nang naitanong namin si Kathryn kung nabalitaan niya ito, sagot niya, “Sa Twitter. Kaya pala nung taping sabi niya, ‘Kath nadinig mo ba interview ko?’ ‘Huh? Hindi.’ Sabi niya, ‘Buti na lang, buti na lang.’ Yun pala yun. Nagulat ako sa Twitter kasi lume-level na sa kasal si DJ (palayaw ni Daniel)… pero nakakatuwa.”

Napag-usapan din ang iniintrigang pagiging babaero ni Daniel na diumano’y minana sa mga Padilla. “Expected ko na playboy, pero nung nakilala ko siya very different kasi si DJ, caring, gentleman, and very close sa family niya.”

Ibinahagi din ni Kathryn ang mga pinapakita ni Daniel na pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanya, “Simple gestures, lagi niyang mine-make sure na busog ako. Sa set tinatanong niya kung okay lang ako, naa-appreciate ko naman siya.”

Inamin din ni Daniel sa kanyang interview kay Carmina na seloso siya pero wala naman siyang karapatang magselos lalo na kapag may kausap itong mga lalaki, pinipigilan niya ang sarili at sinabi naman ni Kathryn na “siguro kapag may topak” napapansin niya ang selos ng binata.

At ang pagsumpong ng topak ni Daniel ay inilarawan ni Kathryn Bernardo. “Siguro pag wala sa standby area, nasa sasakyan lang tapos pag take na dun mo lang makikita tapos tahimik na. Kapag kinakausap mo, isang tanong isang sagot lang. ‘Oh may something.’”

Sinagot din ni Kathryn kung ano nga ba ang lagay ng relasyon nila ni Daniel. “Ngayon very close friends.” At nang tinanong si Kathryn kung ano nga ba ang “very close friends,’ sagot niya, “Very close yung special sa akin kasi alam kong inaadmire ka, na very caring, na alam kong ‘di lang friends. So yun.”

At sa kung may pag-asa ba si Daniel kung sakaling ligawan siya nito, ang diretsong sagot ni Kathryn, “May pag-asa, kung alam kong sincere at alam kong ako lang.”

Sa pagiging close ng dalawa, malaki ang posibilidad na tuluyan na ngang mahulog ang loob ni Kathryn kay Daniel. Pero hindi ba siya natatakot na ma-in love? “Hindi naman scared kasi nakilala ko siya and kahit kanino hindi ako afraid. Para sa akin normal part ng pagiging teenager ang ma-fall.”

Sa pagiging malapit niya rin sa kanyang ina na lagi niyang kasama, may mga advice na rin ang kanyang mommy pagdating sa pag-ibig. “Lalo na sa showbiz, hangga’t maco-control huwag muna. Pero maging open sa manliligaw kasi gusto ko rin ma-feel mo normal ganyan pero dapat alam mo limitation mo. May wholesome image na kailangang i-maintain kasi, public property so kailangan kong panindigan.”

No comments:

Post a Comment