Thursday, June 21, 2012

Wish ni Ruffa, masungkit ng Pinay ang mailap na Ms. World crown

Nakita namin sa Game ‘N Go noong Linggo ang official candidates ng Miss World Philippines 2012. Maga­ganda ang karamihan sa mga kandidata at kung papalarin, posibleng isa sa kanila ang tanghalin bilang first Filipina Miss World.
Si Ruffa Gutierrez ang host ng grand coronation night ng Miss World Philippines 2012 na gaganapin sa Manila Hotel sa June 24.
Birthday ni Ruffa sa June 24 pero pinili niya na magtrabaho.

Tulad ng maraming Pilipino, umaasa si Ruffa na makukuha na ng isang ­Pilipina ang mailap na korona ng Miss World. Si Ruffa ang Miss World Second Princess winner noong 1993 at dahil alam niya ang pakiramdam ng isang ­beauty pageant contestant, willing daw siya na magbigay ng tips at pointers sa mga kandidata ng Miss World Philippines 2012.

***

Magkakaroon ng ­repeat sa July 13, 20 at 28 ang In.Person.Nation dahil sa successful run nito sa Teatrino Greenhills Prome­nade. Ang In.Person.Nation ang stand up comedy show ni Jon Santos na pinanood namin noong nakaraang Sabado.

Hindi kami magdadalawang-isip na panoorin ulit ang In.Person.Nation dahil sa husay ni Jon. Nagpasya ang producer ng show na magkaroon ng repeat dahil na rin sa mga request ng mga tao na naubusan ng tickets at gustung-gusto na mapanood ang mga karakter ni Jon tulad nina Jesslapida Sanchez, Krissy Anino, Be My Lady Gaga, Armida Siguion-Macarena, among others.

***

Inabot ng alas-12:00 nang hatinggabi ang auditions ng Artista Academy sa Smart Araneta Coliseum noong Martes dahil sa libu-libong bilang ng mga kabataan na sinubukan ang kanilang kapalaran.

Very organized ang idinaos na audition kaya hindi masyadong nahirapan ang mga artista hopeful na maagang pumunta at pumila sa red gate ng Big Dome. Hindi lamang ang mga artistahin ang sumali sa audition ng Artista Academy dahil may mga applicant din na ordinaryung-ordinaryo ang itsura pero oozing with confidence.

Nakikita sa wide screen monitor sa loob ng Araneta Coliseum ang mukha ng mga aplikante kaya kitang-kita mula sa aming puwesto ang mga malalaki ang tsansa na makapasa sa audition.

Sutil ang mga miron sa Big Dome dahil malakas ang palakpak nila sa mga applicant na hindi pang-­artista ang physical appea­rance. Dinig na dinig namin ang mga panlalait kaya nakaramdam kami ng awa sa mga nagbabaka-sakali na maging artista na tanging lakas ng loob ang puhunan.

***

Open sa lahat ang audition kaya nabigyan ng chance ang mga gay at cross dresser na umakyat sa stage at makita ng mga audition master. Again, narinig namin ang mga cruel comment laban sa kanila na hindi nararapat dahil hindi natin masasabi ang kapalaran o suwerte ng ating kapwa.

Posibleng isa sa mga nilait at pinagtawanan na applicant ang maging sikat na komedyante o artista, balang-araw.

***

Kapatid network ang TV5 at dalawa sa mga nag-audition ang kapatid ng mga aktor na itinuring noon na magkaribal sa stardom, sina Aljur Abrenica at Gerald ­Anderson.

Sina Alvin Abrenica at Kenneth Anderson ang dalawa sa mga applicant na ininterbyu ng entertainment press dahil kapatid sila ng mga artista na kilala.

Hindi naiwasan na ikumpara sina Alvin at Kenneth sa kanilang mga kapatid.

***

Para sa amin, naging matagumpay ang audition ng Artista Academy dahil sa dami ng mga sumali.
Maingay na maingay at sagana rin sa publicity ang talent search show ng TV5 na magsisimula ang telecast sa second week ng July.

Marami sa mga sumali sa audition ang papasa na artista pero hindi basehan ang maganda at guwapong mukha para sumikat sila dahil may kakambal na su­werte ang pagpasok sa showbiz or else, sa dami ng nangangarap na maging artista at sumikat, matagal nang over populated ang showbiz.

No comments:

Post a Comment