Noong July 13, Biyernes, lamang nakadalaw sa lamay ni Dolphy ang dati nitong nakarelasyon na si Alma Moreno.
Paliwanag ni Alma sa mga press na kinapanayam siya kabilang na ang Hot Pinoy showbiz, abala raw siya sa kanyang trabaho bilang konsehal sa ParaƱaque.
"Pero ako, naka-monitor kay Van, kumbaga, alam ko kung anong
nangyayari," pahayag ni Alma. Tinutukoy niya si Vandolph, ang tanging anak niya kay Dolphy.
Bakas sa mukha ng actress-turned-politician na nalulungkot siya sa pagpanaw ni Dolphy. Ngunit ayon sa kanya, hindi niya raw maaaring ipakita ito para bigyan ng lakas ang kanyang anak.
"Siyempre, pag kausap mo si Van, hindi ka papahalata. Strong ka.
"Kasi pag nakita niyang bumibigay ka rin, iba yun. Iba yung nagpapakita ka na masasandalan ka.
"Siyempre, humuhugot yan ng lakas, si Vandolph, sa pamilya niya, sa anak niya, sa asawa niya, sa mga kapatid niya.
"Sabihin na nating sa akin, na alam niyang nandiyan pa rin ako na nag-iisa, so kailangang maging strong pa rin ako para sa kanya," paliwanag ni Alma.
Alam daw kasi ni Alma na matindi ang dinaranas na hinagpis ni Vandolph sa pagpanaw ng ama. Malapit na malapit kasi ang dalawa.
Kuwento niya, "Sobrang close yun. Mula nung baby si Van, nakita ko yun, kung paano alagaan, kung papaano [niya] buhatin kahit naka-amerikana si Dolphy.
"Kasi pag nagta-travel yun palaging naka-suit, ano? Kahit na nasa eroplano yun, talagang kapag nagwawala si Van, hinehele niya.
"Hanggang ngayon na meron na kaming apo, lagi pa rin niyang kasama si Vandolph, mag-travel sa Hong Kong, kahit saan. So, puro 'Papa' siya, 'Papa, Papa.'"
Payo ni Alma sa anak, kailangan nitong umiyak para matanggap ang pagkawala ng ama.
"Sabi ko nga, iiyak mo. Wag kang mahiya, iiyak mo yan para gumaan yung loob mo. Yun ang sinabi ko sa kanya," ani Alma.
THANKING DOLPHY. Pahayag ng dating aktres, tila alam na ni Dolphy na hindi pababayaan ni Alma ang kanilang anak. Ito raw kasi ang ipinangako niya noong dumalaw siya sa ospital bago pa man manghina ang Comedy King.
"Yun lang yun, tapos, yung kamay niya, diniin lang niya 'to. Ibig sabihin, naintindihan niya.
"Oo, okay. Siguro yun yung ibig niyang sabihin," sabi ni Alma.
Kung makakausap daw niyang muli si Dolphy, pasasalamatan niya ito.
"Magte-thank you ako sa pagmamahal niya kay Vandolph. Dahil sobra niyang naalagaan si Vandolph.
"Sobra niyang hindi pinabayaan, na kahit na may problema, sasabihin ko [sa phone], pagsabihan mo nga yung anak mo.
"Yung galit na siya, pero hindi pa rin niya mapagalitan si Vandolph," sabi ni Alma.
Pagpapatuloy niya, ibinibilin na lang niya kay Vandolph na tuparin ang lahat ng pangarap ng tatay niya para sa kanya.
"Gawin mo na lang lahat ang dream ng Papa mo, para mapasaya mo ang Papa mo kahit nasa langit.
"Yung career niya, yung maging good father siya... maging mabuti siyang asawa... Hangga't-maari maging seryoso sa buhay niya," ang sabi ni Alma.
No comments:
Post a Comment