Thursday, July 26, 2012

Ang mga babae sa Buhay ni Aljur Abrenica

 Hindi na nakagugulat na ang aktor na si Aljur Abrenica ang napiling gumanap na Machete, kung husay sa pag-arte at magandang hubog ng katawan lang naman ang pag-uusapan. Dahil dito, 'di na rin nakapagtatakang maraming babae ang nali-link sa batang aktor.

Sa isang eksklusibong panayam sa “Tunay Na Buhay" na ipapalabas sa darating na 28 ng Hulyo, ikinuwento ni Aljur sa host na si Rhea Santos ang karanasan niya bilang aktor, ang kanyang buhay sa likod ng camera, at maging ang mga leading lady na nakatrabaho niya

    Naging kasabayan ni Aljur si Kris Bernal sa talent search na “Starstruck,” kung saan sila ang itinanghal na Ultimate Winners. Matapos nito, sabay umusbong ang mga showbiz career ng bagong magka-love team.  Sa loob ng tatlong taon, pinagbidahan ng tambalang Aljur-Kris ang mga teleseryeng “Dapat Ka Bang Mahalin,” “Zaido,” “All My Life,” “Boys Nxt Door,” “Machete,” at “The Last Prince.” Lumabas din ang dalawa sa mga pelikulang gawa ng Regal Films, gaya ng “Loving You,” “Nandito Ako” at “Mag-ingat ka sa Kulam.”

Natapos man ang kanilang on-screen at off-screen romance, nanatiling matalik na magkaibigan sina Kris at Aljur. Mapapanood ang dalawa tuwing Linggo sa programang “Party Pilipinas.” Ngayong 2012, magbabalik-tambalan na rin sina Kris at Aljur sa bagong teleseryeng “Sana Dalawa ang Puso Ko

    Kumalat ang tsismis na nagkaroon din ng relasyon sina Aljur at ang beauty queen na si Rich Asuncion, na unang nakilala rin sa programang "Starstruck."

Hindi man nila inamin ang estado ng kanilang relasyon noong kasagsagan ng usap-usapan tungkol dito, nagsalita rin ang dalawa kalaunan at sinabing may kani-kaniya na silang buhay-love life. Nagkasama sina Rich at Aljur sa “Boys Nxt Door” at “SOP.”

    Nali-link naman ngayon kay Aljur ang 19-taong-gulang na aktres na si Kylie Padilla. Unang sumabak sa showbiz ang laking-Australia na si Kylie sa teleseryeng  “Joaquin Bordado” na pinagbidahan ng kanyang amang si Robin Padilla. Noong 2008, nanalo si Kylie bilang “Best New Female Personality” sa PMPC Star Awards for Television.

Noong Hunyo ng taong ito, kumalat ang tsismis na nag-break na sina Kylie at Aljur. Pero hindi kailanman nagsalita ang dalawang artista tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon. Mapapanood sina Aljur at Kylie tuwing Linggo sa “Party Pilipinas

No comments:

Post a Comment