Thursday, July 26, 2012

Benjamin Alves Sobrang na conscious sa scene nila ni Lovi

Aminado ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves na na-conscious siya nang kunan ang intimate na eksena nila ng Kapuso actress na si Lovi Poe para sa pelikulang “Guni-guni.”

"Lovi is ano, eh, so pretty and endearing so who wouldn't be conscious especially kailangan po talagang ano, eh [love scene]. 'Yong na-conscious, I guess because she's really pretty and nice," pahayag ng aktor.

Gayundin, nagpapasalamat naman si Benjamin na si Lovi ang napiling kapareha niya para sa naturang pelikula ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules.

    Bukod dito, pinupuri rin ng Kapuso hunk si Lovi dahil hindi raw ito maarte lalo na sa mga maseselang eksena tulad ng mga love scenes.

Aniya, "Thankful ako na she was patient. Uhm, alam niya, eh. It was okay. I think we were both challenged by it [love scene] but we're here now, and I think the audience will like those scenes."

Samantala, sa muling pagpapaka-daring ni Lovi sa naturang pelikula, hindi nito inakalang mas mapangahas pa raw ang love scene niya ng kanyang leading man kumpara sa love scene nito kasama si Dennis Trillo para sa pelikulang “My Neighbor's Wife.”

Gayundin, natutuwa naman si Lovi dahil naging maayos ang paggawa nila ng love scene ng Kapuso hunk para sa naturang pelikula.

"He was relaxed naman himself. And he was pretty game naman so wala namang ano, we try not to be shy," wika ni Lovi sa ulat in Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules.

Bukod dito, naging maayos ang takbo ng naturang love scene dahil alam naman nina Lovi at Benjamin na kailangan ito para sa ikagaganda ng kanilang pelikula

No comments:

Post a Comment