Friday, July 27, 2012

Party Pilipinas Apir Episode

Itaas ang mga kamay at makiisa sa nag-iisang concert party sa TV, ang Party Pilipinas. Makipag-apiran sa kanilang APIR episode ngayong Linggo (July 29)!

Uumpisahan ng primetime leading man ng GMA 7 na si Dingdong Dantes ang saya sa show simula sa tanghali.

Babalik ang R&B Royalties na sina Kyla at JayR para sa matinding performance kasama sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Jolina Magdangal, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, La Diva, at Solenn Heussaff para sa Party Pilipinas All Stars.

Kaabang-abang din ang pakikipag-jam ni Kyla sa Pinoy Rock idol na Kamikazee.

May bonggang stage number naman ang mga original talent search beauties na sina Kris Bernal (Starstruck Season 4), Sarah Lahbati (Starstruck Season 5), Krizza Neri (Protégé Season 1), Frencheska Farr (Are You the Next big Star?), Maricris Garcia at Jonalyn Viray (Pinoy Pop Superstar) na talagang mapapa-high five ka.

May Sexy Hataw naman mula kay Aubrey Miles!

Birthday na ni Derrick Monasterio at magdiriwang siya sa Dance Duets, habang kilig JuliElmo number ang hatid nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose sa Apir episode.

Iwe-welcome rin ngayong Linggo ang mainit na H.O.T TV!

No comments:

Post a Comment