Monday, July 30, 2012

Birthday plans ni Dingdong at Marian masayang ikinuwento ng dalawa

Sa interview ng Startalk TX sa sweet couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, masayang ikinuwento ng dalawa ang kanilang mga plans para sa kanilang mga nalalapit na kaarawan at ang mga wishes nila para sa isa’t isa.

Masaya din ang ‘Primetime Queen’ dahil  muli niyang naisama ang nobyong si Dingdong  sa kanyang muling pagbisita sa pamilya ng kanyang ama sa Spain. “Parang barkada lang sila ni Papa. ‘Yon ang mahalaga sa akin.  Ang makita ko ‘yong dalawang lalaki na pinakamamahal ko na magkasama at masaya together. Para sa akin ay okay na iyon,” kwento ng actress.

Sa birthday episode ni Yan sa Tweets For My Sweet, si Dingdong  ang nagsilbing surprise for Marian. “Actually, surprise talaga ito para sa akin. Kaya lang, pinaamin ko siya at ‘di na rin siya naka-hindi. Nalaman ko tuloy na guest siya,” nakangiting sinabi ng actress.

Nang tanungin ito kung masaya siya  sa pag guest ng nobyo, ito naman ang naging tugon ni Marian. “Oo naman, at bukod doon ay masaya rin ako dahil ipapalabas ‘tong episode na ito sa mismong araw ng birthday ko!”

Shinare naman ni Dingdong ang mga plano nila para sa kanilang mga nalalapit na birthday. “Not specifically for my mismong birthday, pero for the month of August mayroon, at maraming mga naka-line up na plano. Syempre, definitely gusto ko sa August 2, siyempre ‘yong family ang kasama at si Yan din.”

Marian also shared her plans for her birthday. “Siguro kung magcecelebrate kami, with the family lang talaga. Kasi gusto namin na tahimik lang.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang birthday wish, ito naman ang sinagot ni Dong. “Ako ang target  ko lang naman every year, ay makagawa ako ng isang makabuluhang pelikula na talaga magiging proud ako.” Ngayong taon din  ipalalabas ang pelikula ni Dong with Angel Locsin and Angelica Panganiban, kaya’t  very excited ito dahil ngayon lang siya gumawa isang adult drama movie. “Ibang role naman ang gagawin ko kasi first time ko lang magkakaroon ng isang pelikula na adult drama. So as actors, dapat ay palagi mong nacha-challenge ‘yong sarili mo, at ‘di lang paulit-ulit ‘yong ginagawa mo.”

Si Marian naman ay nagnanais na maging aktibong miyembro at advocate ng Philippine Red Cross. “Ako kasi gusto ko, sa bawat kaarawan na dumadating, ay may maganda akong nagagawa kaya’t nakikipag-usap ako sa Red Cross."

Nang tanungin naman si Dingdong kung ano ang wish nito para sa nobya, ito naman ang naging sagot niya. “Siguro para sa kanya, ay patuloy pang dumami ang  napapasaya niyang tao through her shows like Tweets For My Sweet. I really hope that she would continue to inspire a lot of people.”

Ito naman ang wish ni Yan para sa long time boyfriend.“Siguro, mas ma-achieve niya na ‘yong mga sinasabi niyang gusto niyang ma-achieve. At saka walang katumbas ang pagiging masaya ng isang tao, kaya’t gusto ko’y palagi siyang maging masaya, at iyon ang ibibigay ko sa kanya.”

Panoorin si Dingdong Dantes sa Party Pilipinas at si Marian Rivera sa Tweets For My Sweet sa Sunday Grande ng GMA.  

No comments:

Post a Comment