Monday, July 30, 2012

Julie Anne at Elmo, nagde-date na nga ba

Simula 2007, tanging ang Don’t Lie to Me segment ng Showbiz Central ang nangahas na magtanong sa mga pinaka-maintrigang mga isyu sa mga celebrities.  Dahil dito'y mayroong mga matatalik na magkaibigan na naglaglagan at mayroon ding harapan na nagtapatan. Maging ang mga seasoned artists at mismong mga SC hosts ay ‘di  rin nakatakas sa sa bangis ng interogasyon sa  hot seat ng Don’t Lie to Me.

Sa pinaka-pasabog at huling episode ng Showbiz Central, ang hottest and much-talked loveteam ng GMA na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ang humarap sa interogasyon ng mabangis but funny host  na si John “Sweet” Lapus. 

Kamakailan ay kumalat ang leaked photos ng dalawa sa internet na masayang nagbobonding sa isang coffee shop. Nagkakaigihan na nga ba talaga ang dalawa?

Napabalita ring binigyan ni Elmo ng mga mamahaling alahas ang ka-loveteam. Totoo nga kayang may namamagitan na sa kanilang higit sa pagkakaibigan?

Ayon sa mga sources, ikinagulat din ng marami ang biglaang pagluhod ni Elmo sa grand fans day ni Julie Anne. Totoo nga kayang nanliligaw na  ang talented Kapuso actor sa young diva?

Question: Kumalat sa internet ang picture niyong dalawa na nagkakape sa isang coffee shop. Nagde-date nga ba kayo noong time na ‘yon?
Julie’s Answer: Yes
Lie detector says: Truth
Elmo’s Answer: Yes
Lie detector says: Truth
Walang alinlangang inamin ni Julie Anne at Elmo na nagde-date nga sila noong panahong nakita sila sa isang coffee shop na masayang-masaya na nagbobonding. “Iyon nga po lalabas na yung Dark Knight the movie tapos ayon, bago mag-sine lumabas muna kami,” kwento ni Elmo. “May kasama rin naman po kaming ibang mga friends. Nagkayayaan po kami, eh lahat po kami ‘di pa po nakakapanood ng Dark Knight so ayon, nagyaya muna si Mo na lumabas,” pagdedetalye ng pretty Kapuso star na si Julie Anne.

Question: Kapag binigyan daw ng alahas ng isang lalaki ang isang babae ay may special meaning daw ito. Dahil necklace at earrings ang birthday gift mo kay Julie Anne, ang ibig sabihin ba nito’y more than friends na kayo?
Julie’s Answer: No
Lie detector says: Lie
Elmo’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
Isang dangerous stunt ang ginawa ni Sweet matapos lumabas na ‘Lie’ ang sagot ni Julie kaya’t todo explain ito sa host nang tanungin ito kung bakit ito nagsinungaling . “Since 18thbirthday ko nga ‘yon, parang Elmo wants to make it special. Nagulat na lang din ako, matapos niya akong bigyan ng gift. Thankful din ako sa kanya kasi ang ganda noong jewelries na ibinigay niya. So that’s how we value friendship talaga.”Sa kabilang panig naman, inamin ni Elmo na special ang dalaga para sa kanya kaya’t ito ang naisip niyang iregalo. “Kasi, tingin ko sa kanya’y special siya and pag nag-debut ang isang babae kakaiba ‘yon eh. Parang ang ibig sabihin noon ay special talaga. Kaya’t di pwede na parang normal lang na bagay ‘yong ibibigay mo. Kaya’t naisip ko na ibigay ‘yon sa kanya. More than friends na kami kasi best friends kami eh.”

Question: Kahapon sa grand fans day ni Julie Anne ay maraming nagulat matapos lumuhod si Elmo sa dalaga. Ang ibig sabihin ba nito’y nagpaalam na ng pormal si Elmo kay Julie Anne?
Julie Anne says: No
Lie detector says: Lie
Elmo says: No
Lie detector says: Lie  
Dahil marami ang nagtaka at nagulat sa biglaang pagluhod ni Elmo sa grand fans day ni Julie Anne, siya na rin mismo ang nagbigay linaw kung bakit niya ito ginawa. “Well, bigla ko lang siyang naisip. Naisip ko lang gawin at parang bagay siya  sa song, kaya’t ginawa ko siya.“

Panoorin si Elmo Magalona at Julie Anne San Jose sa Together Forever every Sunday

No comments:

Post a Comment