Tuesday, July 17, 2012

Carla Abellana Nag seselos nga ba kay jackie rice

Pinabulaanan ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang mga balitang nagseselos siya sa naging mainit na kissing scene ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann at sa katambal nitong si Jackie Rice. Ang kissing scene ay para sa afternoon soap na 'Kasalanan Bang Ibigin Ka'.

Wika pa ng aktres, "Hindi ko naman kasi napapanood. I guess, wala pa akong natse-tsempuhan na mga gano'ng eksena."
Ayon pa kay Carla, iyakan at puro drama ang mga naaabutan ng aktres na mga eksena tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataong mapanood nito ang naturang palabas.

Gayundin, hindi naman nilinaw nitong hindi niya kailangang makaramdam ng selos dahil napag-uusapan naman nila ang mga nangyayari sa set at suportado naman sila sa kani-kanilang mga proyekto ayon sa ulat sa Startalk nitong Sabado.

Aniya, "Hindi ako nagseselos. Almost everyday naman din nagku-kwento siya sa akin about his show and nagku-kwento siya tungkol sa mga co-actors niya, sa Daddy [Michael de Mesa] niya, tapos sa kung ano man ang nangyayari sa set."

Dagdag pa nito, "So parang, kahit papaano updated naman ako sa kanyang mga experiences."

Bukod dito, excited na ang boyfriend nitong si Geoff sa pagsasama ni Carla at ng kanyang inang si Gina Alajar sa bagong season ng artista search show na Protégé.

Si Gina Alajar ang isa sa limang mentor ng naturang palabas at si Carla naman ang isa sa mga host.

Gayundin, nagbigay naman si Carla ng mensahe para sa mga taong nagsasabing hindi magtatagal ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

"We are going strong. We are very happy. We continue to love each other and continue to take care of each other," saad niya.

Maliban dito, pinabulaanan din ng aktres ang mga bali-balitang nagkakalabuan na sila ng aktor dahil wala na silang panahon sa isa't-isa.

Aniya, "So, hindi totoo 'yan. Hangga't hindi nanggagaling sa amin mismo, so walang katotohanan, 'wag silang maniniwala. Napaka tahimik namin. Reserved kaming tao, hindi kami 'yong ma-chika o outgoing."

Dagdag pa ng aktres, "Isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kanya at nagusuthan naman niya sa akin"

Gayundin, mas lalo pa nilang minamahal ang isa't-isa at mas higit pang naging matatag ang kanilang samahan bilang magkarelasyon.

Wika pa ni Carla, "Pero along the way, habang nagtatagal na rin naman kami, mas natututo na kaming maging outgoing, expressive, makwento, [at] friendly. I guess, ‘di ba, we bring out the best in each other."

Kasama si Carla Abellana sa GMA Telebabad soap opera na 'Makapiling Kang Muli' kung saan kasama niya rito sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Linggo pagkatapos ng 'Luna Blanca

No comments:

Post a Comment