Tuesday, July 17, 2012

Jennylyn Mercado eeksena sa teleseryeng Hindi Ka Na Mag iisa

Muling bibida ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa pinakabagong ng 'Dramarama sa Hapon' ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-iisa, na magsisimula ngayong Hulyo 9, 2012, pagkatapos ng Eat Bulaga!
 
Kasama rin sa naturang afternoon soap sina Carl Guevara, Frank Magalona, Saab Magalona, Angelu de Leon, Krystal Reyes, at ang leading man na si Sid Lucero.
 
Ang storya ay tungkol kay Elisa, kung saan sa murang edad ay nakaranas na ng hagupit ng buhay. Dahil dito, nawalan siya ng tiwala sa sarili at nahihirapan din siyang magtiwala sa ibang tao.
 
Gayundin, natatakot si Elisa na umibig dahil naniniwala siya na ang mga taong nagmamahal sa kanya ay iiwan siya. Maliban dito, natatakot siyang magmahal dahil hindi pa siya nakararanas na umibig.
 
Aminado si Jennylyn na nakakaramdam siya ng pressure dahil sa mga matitinding eksena nito sa naturang palabas, lalo pa at nagsimula na siyang magtaping sa mga crying scenes.
Ayon pa kay Jen, "Yes, kailangan araw-araw akong may baong luha sa set. So, medyo heavy talaga."
 
Dahil dito, humuhugot siya ng inspirasyon sa kanyang anak na si Jazz. Dagdag pa nito, iniisip nalang niya ang mga pangyayaring ayaw nitong mangyari sa kanyang anak ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Lunes.
 
Wika pa ni Jen, "Iniisip ko nalang yong mga situations na ayaw kong mangyari sa anak ko. Ganon nalang. Parang ini-imagine ko nalang."
 
Bagama't magiging abala na muli si Jennylyn sa kanyang siyang soap, hindi pa rin nito pababayaan ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay. 
 
Ayon pa sa kanya, sisikapin pa rin niyang ibalanse ang oras nito sa kanyang anak, pamilya, at sa kanyang kasintahan na si Luiz Manzano.
 
"Sigurado naman na dapat palaging may date night. 'Yong kakain kami sa labas, manonood ng sine at least once a week," saad ng aktres. 
 
Maliban dito, pinabulaanan din ni Jennylyn na nagseselos ang kanyang kasintahan dahil pagiging malapit nila ng leading man nitong si Sid Lucero.
 
Aniya,  "Kilala naman niya si Sid, eh. I think magkaibigan naman po sila. Marupok talaga 'yan [si Sid], kilala ko yan kasi nakasama ko na siya sa Rosario at matagal na kaming magkaibigan niyan.

No comments:

Post a Comment