Namayagpag nang husto ang mga artista ng ABS-CBN sa kakatapos lang na Yahoo! OMG Awards 2012. Pagpapatunay lang na mas masipag ang mga fans ng Kapamilya Network na bumoto sa kanilang mga idolo.
Si Kim Chiu ang nanguna sa nakakuha ng maraming votes sa kategoryang Breakthrough Actress Award. May 155, 899 ang bumoto sa kanya. Nilagpasan niya nang milya-milya sina Maja Salvador, Rhian Ramos, Lovi Poe at Erich Gonzales.
Sumunod naman si Coco Martin na merong 154,286 votes para naman sa Actor of the Year. Tinalo niya sina Gerald Anderson, Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz at Derek Ramsay.
Nakakuha naman ng 132,768 votes si Sarah Geronimo para sa Female Singer of the Year award at tinalbugan niya si Charice. Hindi rin nagpahuli si Xian Lim na may botong 130,802 at tinalbugan niya sa Breakthrough Actor of the Year award si Enchong Dee.
Walang duda na sinuportahan ng kanilang mga fans sina Kim at Xian dahil ang kanilang loveteam ang winner sa dalawang category, ang Love Team of the Year (182,007) at Fan Club (157,997). Tinalo ng love team nila ang love team nina Marian Rivera & Dingdong Dantes at Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Pinadapa rin ng Kim-Xi ang Fan Club nina Charice, Marian & Dingdong, Sarah & Gerald.
Iniwan naman ni Batangas Governor Vilma Santos ang kumare niyang si Nora Aunor sa Major Impact Award nang makakuha ang Star For All Seasons ng 102,827 boto. Tinalo rin ni Ate Vi sina Sharon Cuneta, Bong Revilla at Dolphy.
Pinataob naman ng boto ni Vice Ganda sa 62,395 votes sina Vic Sotto, Ogie Alcasid, Vhong Navarro at Jose-Wally para sa Comedian of the Year. Sa botong 55,613, tinalo ni Eugene Domingo ang kaibigan niyang si Ai Ai delas Alas sa Best Comedienne of the Year.
Ang iba pang mga nanalo mula sa ABS-CBN base pa rin sa dami ng kanilang mga boto ay sina Anne Curtis- Celebrity of the Year (86,545); Angel Locsin-Actress of the Year (60,234); Enrique Gil- Most Promising Actor (34,174); Kathryn Bernardo- Most Promising Actress (94,221); Daniel Padilla- Best Newcomer (78,352); Christina Bautista- Male Singer (48,878).
Bianca Gonzales- Female TV host (97,349); Luis Manzano- Best Male TV host (34,807); Xyriel Manabat- Child Star of the Year (49,018); Angel Locsin & Phil Younghusband- It Couple (41,784); Unofficially Yours- Movie of the Year (38,641).
Tanging si Solenn Heussaff lang na taga-GMA-7 ang lumusot at nanalo ng Best Female Newcomer sa botong 30,336.

No comments:
Post a Comment