Ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang iprinoklamang Teen Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 sa BFF at the Big Night last July 7, matapos makalap ang pinakamataas na porsiyento ng pinagsamang save at evict votes laban sa mga katunggaling Big Four housemates.
Kahit na siya ang nakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng ‘vote to evict’ votes, nanguna pa rin ang 17-taong gulang na “Cosplay Cutie ng Iloilo” sa kanyang 33.92% na average net votes kontra kina Karen (11.91%), Roy (9.38%), at ang kambal na sina Jai at Joj (9.26%). Mag-uuwi si Myrtle ng P1M, grand appliance showcase, gadget showcase, at Asian tour package.
Second Teen Big Placer naman si Karen ng Mindoro. Third Big Placer si Roy, isang construction worker, habang Fourth Big Placer naman sina Joj at Jai na siyang unang kambal na nakapasok sa Big Four.
Pinag-usapan ang bonggang finale sa internet dahil nag-trend ito sa Twitter sa pangunguna ng hashtag na ‘#PBBTeensBigNight’ sa listahan ng pinaka-pinag-usapang topics sa buong mundo. Nag-trend din ang terms na ‘Jai and Joj,’ ‘Kambal,’ ‘Big Winner,’ ‘Go Roy,’ ‘Alec,’ ‘Clodet,’ at ‘James Reid,’ na siyang Teen Big Winner ng “PBB Teen Clash of 2010.”
Nagbalik-tanaw ang BFF at the Big Night na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center sa pagkakaibigan at samahang nabuo sa pinakasikat na bahay sa bansa sa pamamagitan ng pagtitipun-tipon ng dating PBB housemates na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Beauty Gonzalez, Yayo Aguila, Ryan Bang, at marami pang iba. Nagkaroon din ng espesyal na appearances ang Kapamilya celebrities na sina Iza Calzado, Kathryn Bernardo, Matteo Guidicelli, JM de Guzman, Jessy Mendiola, at “PBB Unlimited” Big Winner Slater Young.
Ang Teen Big Winner na si Myrtle ang ikatlong top cosplayer sa bansa at pangulo ng Sangguniang Kabataan sa kanyang lugar. Naging kontrobersyal man dahil sa naging ugnayan nila ni Yves, kinilala si Myrtle bilang isang lider na may lakas ng loob at sa pagiging mapagpakumbaba at mapang-unawa para sa pagtaguyod ng pagkakasundu-sundo ng kapwa housemates.

No comments:
Post a Comment