Ang Sweet Dreams, And I Am Telling You at I Surrender ang ilan sa mga kinanta ni Sarah Geronimo sa 24/SG, ang kanyang successful advance birthday concert sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.
Inawit ni Jessica Sanchez ang mga nabanggit na kanta sa mga contest na sinalihan niya (American Idol Season 11 at America’s Got Talent) kaya ramdam na ramdam namin ang kanyang presence sa concert ni Sarah.
Marami ang nagsasabi kay Sarah na magkahawig sila ni Jessica pero hindi kami sigurado kung may kinalaman ito sa desisyon na kantahin niya sa kanyang birthday concert ang mga awit na associated sa American Idol Season 11 runner up.
***
Ang opening act ng 24/SG ang isa sa pinaka-impressive opening number na aming napanood at maikukumpara sa mga concert ng mga famous international singer. Base sa visual effects at mga damit na ginamit ni Sarah, ginastusan ng producer ang kanyang sold-out concert.
Naging “godmother” si Sarah ng mga baguhang singer dahil sa duet nila ni Anton Alvarez at special participation ni Anja Aguilar. Mga talent ng Viva Artist Agency sina Anton at Anja na binansagan bilang next Sarah Geronimo.
May special appearance sa 24/SG si Delfin, ang ama ni Sarah na naging emotional habang pinasasalamatan ang mga tao sa likod ng tagumpay ng kanyang anak sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Group of Companies. Kinanta nina Sarah at Delfin ang Smile at I Will Be Here.
First time ni Delfin na kumanta at tumugtog ng gitara sa malaking venue kaya naintindihan ng audience ang kanyang boses na sintunado na epekto ng kaba na nararamdaman niya.
***
Ten years-old na ang showbiz career ni Sarah at sa loob ng sampung taon, na-master na niya ang “pagkiliti” sa imahinasyon ng kanyang mga tagahanga. Nang kantahin ni Sarah ang It Might Be You, bumaba siya sa stage, isa-isang nilapitan at pinasalamatan ang mga tao na nakatulong sa kanyang career.
Mabentang-mabenta sa Big Dome audience ang paglapit niya kay Gerald Anderson habang lumalabas mula sa kanyang bibig ang lyrics na “maybe it’s you..maybe it’s you...”
***
Hit na hit sa Araneta Coliseum audience ang stand up comedy act ni Jon Santos bilang Mommy Dioning Sapakyaw, Ate Vi, Senator Miriam Defensive Santiago at Annabelle Drama, ang mga “karakter” na tumulong kay Sarah para matupad ang mga birthday wish nito.
Napanood na namin sa In.Person.Nation ang ilan sa antics ng wacky characters ni Jon pero natawa pa rin kami sa mga ginawa niya sa birthday concert ni Sarah.
Ang In.Person.Nation ang successful standup comedy show ni Jon kaya magkakaroon ito ng repeat sa Teatrino Greenhills sa July 13, 20 at 28.

No comments:
Post a Comment