Inihatid na ang Comedy King na si Dolphy sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park sa Taguig nitong Linggo ng hapon. Tahimik at taimtim ang nangyaring libing ng showbiz icon. Isinara sa publiko ang kaganapan subalit ibinahagi naman ito sa taumbayan sa pamamagitan ng live coverage sa telebisyon.
Naging emosyonal ang mga kapamilya ni Dolphy kagaya ng anak na sina Vandolph at Epy Quizon. Nakaalalay naman kay ZsaZsa ang mga anak nila ni Dolphy na sina Nicole at Zia.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Divine Diva, “Mahal na mahal ka, Dolphy, ng sambayanan. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo sa amin. We love you, we love you, lovey ko. Until we meet again.”
Dumalo rin ang mga kasabayan ni Dolphy sa industriya na sina Eddie Garcia, Susan Roses at Rosa Rosal. Nagbiro pa nga si Eddie na sinabi raw niya kay Dolphy na ikumusta siya kay Fernando Poe Jr. kapag nagkita sila sa langit. Kabilang din sa mga dumalo ng libing sina Roderick Paulate, Nova Villa, Vhong Navarro, Ricky Davao, Carmi Martin at Maricel Soriano.
Kung nagpakita ng katatagan si Eric Quizon nang pumanaw ang ama ay hindi na nito napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa libing ni Dolphy. Gayunpaman, hindi pa rin natatapos ang tungkulin dito ni Eric at ng mga kapatid dahil nagpaplano silang magsama-sama sa pagdiriwang ng ika-84 taong gulang ng ama sa July 25 at nagbabalak silang magkaroon ng programa bilang parangal kay Dolphy. Binabalak nilang anyayahan ang mga kaibigan ni Dolphy at mga taga-suporta upang balikan ang mga magagandang alaalang naiwan ng kanyang ama. “Mapapa-reminisce ka talaga sa memories sa what they used to do,” ani Eric.
Balak din nina Eric na isulong ang Dolphy aid sa mga foundations para makapagbigay ng libreng edukasyon sa mga mahihirap na estudyante. Aniya, ito raw ang gagawin nila hangga’t sila ay nabubuhay bilang parangal sa pagmamahal na ibinigay ng kanyang ama.

No comments:
Post a Comment