Sa exclusive interview ni Boy Abunda kay ZsaZsa Padilla para sa The Buzz kahapon ay naging matapang sa pagharap ang Divine Diva sa mga tanong at masayang binalik-tanaw ang relasyon nila ng Comedy King na si Dolphy.
Sabi ng singer, kung meron mang magandang katangian si Dolphy, ito ang pagiging generous nito o mapagbigay. “Palagi kong sinasabi best trait niya ‘yon, pero worst trait din niya. Lahat talaga ibibigay niya,” kuwento ng Divine Diva. “'Pag meron kang sinabi sa harap niya... (Halimbawa) lalabas sila ng mga bata, I think si Zia (bunsong anak ni Dolphy kay ZsaZsa, sinabi) ‘I really want a phonograph. I’m gonna get one one day,’ in passing. Birthday niya, meron siyang phonograph (galing sa kanyang daddy). Hindi niya hinihingi, nabanggit lang niya. Ganun siya. Sabi ko very careful kami sa sasabihin namin tungkol sa materyal na bagay (because) he will really get it for you.”
Dumating daw sa punto na pinag-aawayan nilang dalawa ang pagtatrabaho ni Dolphy na kahit nagkakasakit na ito ay ayaw pa ring paawat sa trabaho. “Tumatakas siya. Pag aalis na ako para mag-taping, magti-taping siya. Pag hinahanap ko siya, kung ano-ano ang sagot (sa akin). Ako naman hindi ko na alam kung ano’ng nangyayari. Not because kailangan niya ng pera (pero dahil) buhay niya talaga ‘yon. Pag uuwi na (siya), ganon mabubuking ko na. Nag-taping, uuwi din naman, 'di na naman makakayanan. Natatawa na lang ako. (Sasabihin ko sa kanya), ‘Lovey (term of endearment ni ZsaZsa kay Dolphy), what are you trying to do?’ Buhay na n’ya talaga. Workaholic din ako, eh. Pareho kami talaga,” kuwento ng singer-actress.
Naging vocal naman si Dolphy sa pagsasabi na matagal na niyang binili ang kanyang kabaong na umabot umano ng malaking halaga.
“Bago pa lang kami no’n nabalita na ‘yon,” pagkumpirma ni ZsaZsa. “Tinanong ko sa kanya, ‘Bumili ka ng kabaong?’ Sabi niya totoo. Kung mahal mo ang pamilya mo gagawin mo ‘yon.”
Noong special service sa ABS-CBN para kay Dolphy pagkalipas ng isang araw noong siya ay pumanaw, ang kantang “Through The Years” ang kinanta ni ZsaZsa. Paliwanag niya, ito raw kasi ang kanilang theme song. “’Yung pagsasama namin sa 23 years, di naman ganun ka-rosy. Sa umpisa siyempre ang hirap. We had children (from our previous relationships). Partly sinabi ko ‘yon sa eulogy, marami siyang anak at 'di madali para sa akin. ‘Yung marami siyang kasama kasi nga hindi ako ganun. Medyo hindi kami magkasundo doon.”
Gayunpaman, sa pagkaka-ospital ni Dolphy ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga anak ni Dolphy at si ZsaZsa na patibayin ang kanilang samahan. Aniya, hindi naging madali para sa kanila nang makita nilang nasa ICU (intensive care unit) si Dolphy. “Nahihirapan na kaming tingnan siya. Unang-una nag-tracheotomy siya (operasyon sa throat upang matulungang makahinga nang maayos ang pasyente), isang bagay na 'di niya gusto. Sinabi niya sa amin na sana 'wag siyang umabot don. Kaya lang andami naming magdi-decide, hindi lang naman ako. He has 17 children, pang 18 ako (sa mga nagdidesisyon). In the beginning gusto ko talagang sundin ang habilin niya. Feeling ko baka hindi ako maintindihan ng iba. But I bargained from my end.” Dagdag pa ni ZsaZsa, “’Yung tagal niya sa ICU naintindihan ko na rin ‘yon. Kasi kailangan talaga maging united kami bilang isang pamilya, 17 of his children, dahil ‘yun ang gusto niya.”
Ilang beses din daw silang sinabihan ng mga doktor na posibleng isang araw na lang ang itatagal ni Dolphy. “He was given 24 hours to live about three times. Tatlong beses ‘yon.” Ang mensahe raw niya lagi kay Dolphy ay, “Come home to Jesus.” “Parati kong ina-assure sa kanya na okay kami, okay lang kami. Sinasabi ko sa kanya, binubulong ko sa kanya na, ‘Alam ko naman na pag napunta ka sa langit, 'di mo kami pababayaan. Alam ko na iga-guide mo kami.’ And ‘yon, sinasabi ko sa kanya, ‘Do not be afraid. Just come home to Jesus and you’ll be okay.’ And I told him I love him.”
Naitanong din ni Boy kay ZsaZsa kung nagpaparamdam ba sa kanya si Dolphy. “I just imagine it. I don’t know. I’m always telling him I’m so sensitive but I’m kinda lost this (time). I thought about that. I really wish I would really feel his presence...I want a hug. I really miss him.”
Ang huling mensahe raw niya sa Comedy King ay “I love you” at gayundin daw ang ipinaabot sa kanya ni Dolphy kahit na kritikal ang kondisyon nito. “His last words to me talaga were I love you.” Noong minsang inaakala raw nilang nakatulog si Dolphy at sinabihan niya si Dolphy ng “I love you”. Habang nakapikit ay sinambit ni Dolphy ang mga katagang 'I love you kay ZsaZsa.' “So I’ll always cherish that moment,” pahayag ni ZsaZsa.
Ani ZsaZsa, sinasabi niya na matibay siya subalit hindi niya kaya 'pag nawala sa tabi niya ang kanyang minamahal. “My battle (is) pag nailibing na siya,” dagdag niya. “Tumawag ako sa kapatid ko, sabi ko sa kanya, ‘Ate, sa palagay ko mahihirapan ako pag nawala na si Dolphy.’ Dahil talagang ‘yung buhay namin for so many years nakapaligid sa kanya, di ko na alam kung ano’ng gagawin ko. Alalayan mo lang ako.’ Kasi ayoko nang mangyari ang nangyari sa akin no’n na di na ako bumabangon sa kama. Di ba meron commercial, para kanino ka gumigising. ‘Yun ‘yon, Kuya Boy.” Sa puntong iyon ay bumuhos ang emosyon ng Divine Diva.

No comments:
Post a Comment