Very vocal si Batangas Governor Vilma Santos na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Kim Chiu para makatrabaho niya sa upcoming Star Cinema movie na The Healing na ipapalabas na sa mga sinehan this coming July 25. “Professional si Kim. Palagay ko she’s one of the new breed na malayo ang itatagal kasi propesyunal, marunong sa trabaho. And [another] good thing is [she is] raw, bago, kaya pag naalagaan nang mabuti palagay ko mahaba rin ang tatahakin ni Kim,” papuri ng Star for All Seasons.
Aminado rin ang actress-turned-politician na kabado siya sa nalalapit na pagpapalabas ng The Healing, directed by Direk Chito Roño, but at the same time ay excited siya dahil first time niya gumawa ng horror movie.
Samantala, aminado si Ate Vi na gustong-gusto niyang gumawa ng teleserye at indie movies na walang dudang mga lumalaking industriya ngayon sa local showbiz. “Alam n’yo sa totoo lang, gusto ko talagang magteleserye, gusto ko talagang mag-indie at ma-experience,” pag-amin ni Ate Vi. “’Yung mga kasama ko si Boyet (Christopher de Leon) may teleserye, si Dawn (Zulueta) may teleserye. Naiinggit ako, para bang pag napapanood ko sila parang, ‘Ay, kaya ko rin ‘yan!’ Gusto ko rin ‘yan, but again wala akong choice because I have also these other responsibilities as a public servant. Malaki ang kailangan ko pong gawin sa constituents ko sa Batangas, so priority ‘yon. My family and being a public servant, so sa third [place] napunta ang career ko.”
Sa press conference ng pelikula ay ibinunyag din ni Gov. Vi na marunong na siyang mag-Twitter dahil tinuruan siya ng kanyang mga kasama sa pelikula gaya nina Direk Chito, Kim Chiu, Pokwang at Janice. Gayunpaman, hindi pa raw handa si Ate Vi na ihayag ang kanyang Twitter account, lalo pa’t talamak ngayon ang pag-bash sa mga artista sa pamamagitan ng social networking sites. “Hindi pa ako ready. Enjoy lang ako sa pagbabasa ng mga tweets and I feel bad also pag may mga kaibigan ako na nagkakaroon ng di magandang comments kasi it’s unfair,” depensa niya. “I guess sa mga kaibigan ko sa industry and kahit sino ‘yung use of words that’s irresponsible. Uulitin ko po, we cannot fight technology ganun talaga.”
Samantala, isa si Ate Vi sa mga nalungkot sa pagpanaw ng haligi ng showbiz na si Comedy King Dolphy. Dalawang beses raw niya nakatrabaho ang showbiz icon: noong bata siya sa isang pelikula at sa programang Buhay Artista.
Pagbabalik-tanaw pa niya tungkol sa King of Comedy, “Si Tito Dolphy, lahat na ng papuri ginawa na sa kanya. Lahat ng magagandang salita totoo lahat ‘yon. Deserving talaga si Tito Dolphs do’n because sa personal, tahimik ‘yan. Hindi siya ‘yung madaldal na klase. Hindi siya ‘yung magyayabang sa ginagawa niya. Hindi siya tatagal sa industriyang ito at ikokonsiderang institusyon kung hindi ganyan ang kanyang character, kaya nakita natin kung paano natin siya mahal lahat. Hindi na mawawala si Tito Dolphs kasi isa na siyang pillar ng movie industry.” Inilarawan pa niya ang namayapang aktor bilang isang charming na tao kaya mahal ng marami.

No comments:
Post a Comment