Sunday, July 15, 2012

Vandolph Gustong maging isa sa mga pallbearer ng Amang si Dolphy

Ngayong araw na ito, Linggo, July 15, na nga ihahatid sa huling hantungan ang masasabing minamahal ng lahat sa industriya ng showbiz, ang itinuturing na Hari ng Komedya na si Dolphy.

Marami ang nagbigay ng kanilang eulogy o mensahe at mga hindi makakalimutan kay Dolphy sa ilang araw na burol nito.

Nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan ang ilan sa 16 na anak ni Dolphy. Pero marami ang nakapansin na sa mga anak na artista ni Dolphy, si Vandolph ang isa sa hindi masyadong nagsasalita.


Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi naman niya na, “Okay naman po. Holding on for my kids and my family.”


Naiintindihan na ba ng mga bata ang nangyari sa lolo nila?


“Well, ang sabi ko, Vito, your Lolo’s sleeping o. Sabi niya, 'Wake up mo na si Lolo. Hihingi na ako ng chocolates.'”


Sa showbiz, sinasabi na sa rami nilang magkakapatid, siya raw ang masasabing pinaka-favorite ni Dolphy sa kanilang mga anak na lalaki.


Nangiti si Vandolph sabay sabi ng, “Well, ano lang ako, siguro, kaya lang nasabi dahil lumaki talaga ko sa tabi ng tatay ko. Tapos lahat ng arteng ginagawa ko, under the likes of him. Idol ko yan, e.”


Siya ang kamukha ng tatay nila?


“Hindi, kamukha ko raw si Alma Moreno, e. Sabi ko, isa lang naman ang kamukha ko kay Dolphy. Pero, hindi na natin dapat pag-usapan yun,” biro pa niya.


Magiging mahirap ba para sa kanya ang proseso ng mga susunod araw?


Sabi naman ni Vandolph, “Bahala na…hinahanda ko na ang sarili ko, kaya ayaw ko munang isipin. Pero, kahit ano naman ang gawin natin, darating din tayo riyan, e.


"‘Ika nga, all through his life, all through his shows, napakalaki ng nagawa niya para sa bawat Filipino na kahit sabihin mong walang pera, kapag naisip mong Dolphy, kahit sandali lang, napapangiti ang tao. Malaking bagay na yan, e.”


FONDEST MEMORY. What is his fondest memory of Dolphy?


“Lahat e, kapag magkasama kami niyan, parang walang moment na walang punchline, e.”


May balita rin na lumabas na diumano, noong Huwebes, tila muntik na raw ma-mob ang kabaong ni Dolphy dahil sa rami ng tao.


Sabi naman ni Vandolph, “Siyempre, ginawang in order ang lahat, isa-isa lang. Although, hindi ko alam. At kung totoo man na nangyari yun, hindi natin maiiwasan yun dahil ang daming nagmamahal sa Tatay ko, ‘di ba? Pero, buti na lang hindi nangyari.”
Ayon kay Vandolph, hindi pa niya alam kung sino ng magiging pallbearer sa libing ng tatay niya. Pero parang gusto nito ang ideya kung silang mga anak nga ang gagawa nito.


“Puwede…puwede, gusto ko nga, ako na lang e,” natawang sabi pa niya.


Ano ang pinakamami-miss niya sa ama?


“Siya,” saad niya.


“Siya lang. The whole Dolphy.”


Kung makakausap pa niya ang ama ngayon, ano ang gusto niyang sabihin dito?

“Papa, thank you for everything. Katabi mo na riyan ang mga tropa mo. At kasama mo na si Lord. Gabayan niyo pa rin kami.

"Gabayan niyo pa rin ako. Buong tao, buong Pilipinas, buong mundo, sa bawat panahon ng heartache, magparamdam kayo sa kanila para konting ngiti lang sa mukha nila, may mabago."

No comments:

Post a Comment