Dahil siyam na taong gulang pa lang ay umaarte na si Janice de Belen, 34 taon na ngayon siya sa showbiz industry. Kilalang magaling na aktres si Janice at sinabi niya na ang sikreto niya ay ang paghusayin ang pagganap sa bawat role na ibinibigay sa kanya. “Dapat naman ‘yung impression sa mga actors you just act it out, dapat galing ‘yan from a place in your heart. You give a piece of yourself,” pahayag niya.
Marami na rin siyang nasubukan gaya ng pagho-host at pagluluto. Subalit sa lahat ng kanyang mga ginawa, ang pag-arte talaga ang kanyang prayoridad. “Kung on cam, siguro acting (ang pipiliin ko) kasi ‘yun talaga ang ginagawa ko ever since. ‘Yung hosting it just happened that I had to develop and study, napag-aaralan mo.”
Kasama si Janice sa upcoming Star Cinema movie na The Healing na pinangungunahan nina Batangas Gov. Vilma Santos at Kim Chiu. Kuwento ni Janice, ninerbiyos umano siya nang unang makaekesena ang Star for All Seaons. “Nung una nakakanerbiyos kahit sa first take ninenerbiyos kasi, ‘Oy, si Ate Vi ‘yan, nakaka-intimidate.’ Pero because you’re acting with her, dapat malampasan mo ‘yung nerbiyos na ‘yan. It has to work for you. Siyempre 'pag nag-warm up na kayo, nawawala ang nerbiyos mo eh. Nagbibiruan na kami, parang kwentuhan na kami so hindi na kami masyado ninenerbiyos.”
May isang pagkakataon din daw na na-starstruck siya sa actress-turned-politician. “Sa isang eksena kasi medyo dramatic nang konti. Tayong mga artista we like to support each other. Lumapit siya sa akin pa-support. (Sabi ko) ‘Si Ate Vi pa-support!' Nagulat daw umano si Janice sa pagiging generous sa eksena ni Ate Vi.
Malaki rin daw ang tulong na ibinigay sa kanila ng kanilang direktor na si Direk Chito Roño dahil sinasabi umano talaga niya kung ano ang kailangan nila. “ Very direct. Sinasabi niya kung ano’ng kailangan niya sa ‘yo. Gusto niya sa rehearsal ginagawa mo na lahat ng kailangang gawin,” paglalarawan ni Janice.
Samantala, sinabi ni Janice na kakaiba ang istorya ng pelikula nilang The Healing na ipapalabas sa mga sinehan sa Hulyo 25.

No comments:
Post a Comment