Noon pa man ay kinakitaan na ng galing sa pag-arte si Jodi Sta. Maria.
Mahigit isang dekada na rin siya sa industriya at kadalasan, tumatatak sa mga manonood ang mahusay niyang pagganap.
Kaya naman ang pagbibida niya sa seryeng Be Careful With My Heart, ayon sa iba, ay “long overdue” na.
Sa presscon ng Be Careful With My Heart sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, July 4, tinanong si Jodi kung hindi ba siya nakaramdam noon ng pagkainip na naging dahilan upang mag-isip siyang lumipat ng ibang network.
Sagot ng aktres, “I feel very happy, after how many years na nag-showbiz ako, nagkaroon din ako finally ng sariling show na masasabi ko.
“Hindi naman ako nainip kasi dun sa ilang taon din naman, nakagawa din naman ako ng proyekto na talagang minahal at gusto ko naman talaga.
“Kumbaga, sobrang bonus na lang sa akin ito.”
JODI’S ROLE. Nagbigay ng kaunting detalye si Jodi sa role na gagampanan niya sa Be Careful With My Heart, kung saan makakapareha niya si Richard Yap na unang nakilala bilang “Papa Chen” sa seryeng My Bindondo Girl.
“Ako dito si Maya dela Rosa, probinsiyana siya, wala siyang ibang gustong mangyari sa buhay niya kundi maging isang flight stewardess.
“Gagawin niya ang lahat para ma-achieve niya ang dream niyang yun.
“Very positive ang outlook niya sa life. Sa kanya, walang imposible, lahat puwedeng mangyari, lahat puwedeng masolusyunan anuman ang problema.
“Mapagmahal siyang kapatid at mahal na mahal din niya ang pamilya niya na gagawin niya kahit mag-sacrifice siya, mabigyan lang niya ng magandang buhay ang pamilya niya.”
Ano ang pagkakaiba ng tandem nila ni Richard Yap sa ibang mga nakapareha na niya?
“Nakagawa na rin naman ako ng love story before, nagkaroon din naman tayo ng loveteam. Pero this time, hindi nga siya heavy drama.
“Nasa light drama-comedy, pero hindi siya comedy na slapstick, mas situational
PLEASE BE CAREFUL. Naitanong din kay Jodi kung masasabi niya ba ang linyang “be careful with my heart” sa susunod na taong mamahalin niya.
Sagot ng aktres, “Siguro naman, lahat naman tayo kailangan maging careful…”
Hindi halos nawawalan ng trabaho at ngayon nga ay bida na sa isang serye si Jodi, ano kaya ang sikreto niya para maging matagumpay sa kabila ng mga napagdaanan na rin niya sa buhay?
“Siguro kasi I focus my energy on positive things and siyempre hindi ako nakakalimot na magpasalamat sa lahat.”
Sa ngayon ay umiikot at kinakain ng trabaho ang malaking bahagi ng oras ni Jodi, pero hindi naman daw siya nawawalan ng oras para sa anak na si Thirdy.
“Right now kasi siyempre sa trabaho. Siyempre I’m working, after work, sine-send ko si Thirdy sa school. Nama-manage ko naman ang time ko nang maayos.
Sa dami ng mga intrigang pinagdaanan niya, kumusta si Jodi ngayon?
“I’m fine, thank you,” maikli niyang tugon.
No comments:
Post a Comment