Wednesday, July 11, 2012

Kathryn Bernardo Nag Fofocused sa Kanyang Career kasabay ng Pag kakamabutihan nila ni Daniel Padilla


Nagpaliwanag si Kathryn Bernardo kung bakit si Enrique Gil ang escort niya sa awards night ng Yahoo! noong Biyernes, July 6, sa Arena.
Inaasahan kasi ng marami na ang isa pa niyang ka-loveteam na si Daniel Padilla ang escort niya sa event, dahil na rin sa mga kuwentong sila ang pinaka-close sa serye nilang Princess and I sa ABS-CBN.Sabi ni Kathryn sa Hot Pinoy Showbiz, “Kasi siyempre, hindi rin naman po puwede si DJ [palayaw ni Daniel] ngayon. Wala naman sigurong magseselos na ganyan.”
Base sa mga interviews ni Daniel, lumalabas na malaki ang pagkagusto sa kanya ng young actor.
Nasosopresa o nagugulat ba si Kathryn sa pagiging vocal ng kapareha sa nararamdaman nito para sa kanya?
“Of course, nakakatuwa naman dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao. Pero siguro po, ipinapakita ko lang kung ano ako.
“Siguro nagustuhan niya yung personality ko… I don’t know. Nakaka-flatter lang po dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao.”
Ano ba ang status ng samahan nila ngayon ni Daniel? Kasi kung babasahin ang mga interviews ni Daniel, parang may malalim na silang samahan?
“Wala naman. Hindi naman po.
“Malinaw naman sa aming dalawa na hanggang ngayon, friends lang muna. Kasi hindi pa naman puwede.”
Nanliligaw na ba sa kanya si Daniel?
“A, hindi pa. Hindi pa po,” mabilis na sagot ni Kathryn.
Si Enrique ba ay may pagpaparamdam rin ba sa kanya na gusto siyang ligawan?
“Hindi naman. Kasi ayaw din naman namin muna.
“Ayaw pa din namin kasi ayaw naming magkaroon ng awkwardness sa work, e

No comments:

Post a Comment