Wednesday, July 11, 2012

Gerald Anderson Niregaluhan Ng Shoes Si Sarah at Inamin din Pati pang-liligaw

Mukhang seryoso na talaga si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo.
Imagine kahapon ay inamin niya sa programang Kris TV ang tungkol sa kanyang panliligaw sa pop princess.
Ito ay matapos siyang umapir last Saturday sa concert ni Sarah sa Smart-Araneta Coliseum at lapitan pa siya at kantahan ng It Might Be You na ikinayanig ng Araneta dahil sa tilian ng fans.
“She’s very special to me also. You know, itong panliligaw ko sa kanya, it’s been an amazing journey for me. Ang dami kong natutunan,” sabi ng aktor na since February pa pala nanliligaw sa pop princess nang tanungin sa programa kung ano na nga ba ang status nila ni Sarah.
“Like I said it’s been an amazing journey. You know ang dami kong natutunan sa sarili ko sa kanya. In life, mas naging mature ako. Pero I’m very open din po sa posibleng mangyari,” sabi pa niya.
Lumabas din sa nasabing interview na pinayagan naman pala talaga siyang dumalaw ng mommy Divine at Daddy Delfin ni Sarah contrary sa mga naglalabasang isyu na galit na galit ang mommy ng pop princess sa kanya.
“Dumadalaw po ako. Sinabi ko sa kanya kung puwede ba kitang ligawan. Para mas makilala niya ako at mas makilala ko siya. I’m just really happy and fortunate na pinayagan ako ng magulang niya na makadalaw ako sa kanila,” kuwento pa niya.
At bilang birthday ni Sarah sa July 25, isang pair na YSL shoes ang iniregalo. In fairness, expensive na ‘yun. Multi-color daw ito galing Hong Kong na binili niya.
Awww. Ang sweet no.
Kaya nga sa Araneta last Saturday, over ang kilig ng fans. “Siyempre overwhelming ang reaction ng mga tao kasi sobra silang masaya at natutuwa. Siyempre nakakatuwa na ganoon ang na­ging reaksiyon nila,” kuwento ng aktor sa Kris TV pa rin.
Dapat talaga matapos na ang pelikula nilang da­lawa. Dami nang kinikilig sa kanila eh.
Wala na talagang Kim-Gerald. Mas accepted na ng lahat ang Sarah-Gerald andKim-Xian.
Speaking of Xian, kahapon ay nagkaroon ng birthday presscon ang actor na bagong partner nga ni Kim.
Ang kaso hindi pa pala sila ni Kim. Parang nag-uumpisa pa lang sila.

Ang kuwento niya, wala pang ligawang nagaganap.
“We’re ok naman pag magkasama. Good friends. Masaya kami,” sabi ni Xian.
“Masaya kasi lagi siyang nakangiti,” he added.
Basta nasa level daw sila na “pagkakaibigan na magkakatiwalaan.”
Nang tanungin siya kung ano ang regalo sa kanya ng young actress na kasalukuyang nasa Cebu kaya hindi niya makakasama sa kanyang birthday : “Hindi ko siya tatanungin, kasi parang hindi naman kaila­ngan.” 
Basta ang pakiramdam niya, walang madalian sa kanila ni Kim dahil ang importante andiyan siya para sa young actress.
“Kasi naman po ganito, ang gusto ko lang po maramdaman niya na nandito ako, na naaalagaan siya bilang siya naman ang leading lady ko, and bilang kaibigan, ’yung sincerity ko, pinapakita ko naman sa kanya. Gusto ko lang malaman niya na special siya.”
Eh ano naman ang masasabi niya sa walang tigil na mga pagbabanta ng fans nina Kim at Gerald?
“Naka-ready naman ang sarili ko sa criticisms. Saka hindi naman totoo. Pero pag sobra na, iniisip ko na lang na magagamit ko ‘yun as constructive criticisms,” paliwanag ng young actor na malaki ang naitulong ng loveteam nila ni Kim sa Binondo Girl para madali siyang sumikat at aminado naman siya tungkol dito.
Anyway, isa na si Xian sa pinaka-in demand na actor ng Kapamilya Network. Aba sunud-sunod ang endorsements niya at may pelikula siya, ang The Reunion kasama ang iba pang Kapamilya young actors at ginagawa na nila ni Kim and bagong serye na Ina, Kapatid, Anak,
Kaya ang birthday wish niya, magtuluy-tuloy ang mga blessings na dumarating sa kanya. “Ang wini-wish ko kasi noon, ito na ‘yung nangyayari ngayon. Sana ma-sustain at lalo pa akong ma­kilala ng marami,” sabi ng aktor na endorser din ng McDo.
Samantala, 23 years old na ang aktor bukas, July 12.
Bukod sa bonggang takbo ng TV career, big success din ang kanyang debut album na nana­tiling isa sa top selling albums.
Bahagi rin ng kanyang birthday celebration ang pagbisita sa Servants of Charity Centerville in Tandang Sora.
Richard split na sa model na gf!
Split na pala si Richard Gutierrez sa girlfriend niyang model. Mismong si Tita Annabelle Rama ang nag-confirm tungkol sa hiwalayan ng dalawa. “Naiyak nga ako eh. Kasi ang bait niya. Magkasundo kami,” sabi ni Tita Annabelle sa tsikahan kahapon sa surprise birthday blowout na ibinigay ng kaibigang Jun Lalin kay Ms. Chaye Cabal-Revilla ng PLDT at wife ni Bacoor Mayor Strike Revilla.
Ang duda ni tita ni Annabelle, muk­hang nagkaka­yos na sina Richard at Sarah Labahti na pumayag makipag-bed scene sa aktor sa serye nilang Makapiling Kang Muli. Nagwala raw ang nanay ni Sarah sa mga nasabing eksena na labas-labas pa ang mga dila bilang hindi pa pala nagkaka-boyfriend ang young actress.
Hindi kontra si Tita Annabelle sakaling maging sina Richard at Sarah dahil na-realize niyang tuwing kokontra siya, mas nagtatagal ang relasyon ni Richard sa GF. Kaya ang ginagawa niya ngayon, lahat nang nakakarelasyon ni Richard boto na siya.

No comments:

Post a Comment