Naging magarbo ang episode ng ASAP noong Linggo, Hulyo 8 dahil ipinadiwang ang ika-20 anibersaryo ng Star Magic. Star-studded ang nasabing ASAP episode dahil more than 100 Star Magic artists ang dumalo at ipinamalas ang mga pambihirang production numbers ng mga sikat na artista.
Para sa huling production number, isang fashion show ang naganap tampok ang mga Star Magic artists mula nang itatag ito 20 years ago na noon ay Talent Center ang tawag.
Isang pambihirang pagkakataon naman ito kay Piolo Pascual, isa sa mga pioneer artists ng Star Magic, dahil madalang lang daw magkaroon ng pagkakataon ang mga artista ng talent arm na magsalu-salo. “Dito lang kami nagkikita kita eh, sa trabaho, sa Star Magic Ball, sa anniversary [at] sareunion. It’s nice kasi lahat ng taga-Star Magic, mga trabahador… it’s refreshing to see them here, just to bond a little.”
Na-overwhelm nga raw siya sa dami ng mga artistang dumalo at ang mga dating fellow celebrities kung saan ang iba sa kanila ay hindi na active sa showbiz. “Andami, nahihilo nga ako. Sobrang dami from before, from the time that we were all starting. Tapos ngayon magkakasama kami. Andaming pwedeng pagkuwentuhan. I remember I was with Lindsay (Custodio), she was my [leading lady in my] very first music video. That was 1996yata, so ‘yun andun sina Gio Alvarez and a lot of them like si Steven Alonzo kasabayan ko ‘yan. Ngayon ko lang nakita ulit, so para kaming galing sa school na nag-reunion, sort of alumni homecoming.”
Malaking karangalan naman para kay Piolo na maging isa sa mga pioneer talents ng Star Magic. “It’s a different high, I was watching the VTR, I was watching the fashion show, it’s nice how everyone has evolved, how they’ve become better people, more mature. May mga asawa na, may anak, may pamilya na ang iba. May malakas pa ring magtrabaho. It’s all nice, it’s a good feeling.”
Nagsimula na ring mag-swimming lessons si Piolo bilang paghahanda sa upcoming teleserye niya with Angelica Panganiban at Diether Ocampo, ang Apoy sa Dagat. “We had a story con already and I’m training for the swimming lessons kasi mahirap din ang training, ang dadaanan natin kasi skin diving, so walang gear,” kuwento ni Piolo.
Recently rin ay nagkaroon ng aksidente si Piolo dahil sa pagba-bike at nasugatan ang kanyang kanang braso. Pero pagaling na raw ang kanyang sugat at wala siyang balak na itigil ang nasabing sport. “Good thing I’m a fast-healer. Medyo may bukas-bukas pa pag naliligo ako, namumuti but it’s healing fast. Two days after [the accident] nag-bike agad ako [and] I’ve been playing badminton. One thing I’ve realized, it didn’t stop me [from doing sports], all the more I wanted to ride, nag-bike ako kahapon nang mag-isa.
“I remember when I had my injury during a badminton tournament, nagpahinga lang ako ng ilang buwan and then pagbalik ko naging mas agresibo ako sa laro, so gaya ng sinabi ko, it makes you better at nale-legitimizeang pagsali mo sa sports.”
No comments:
Post a Comment