Monday, July 9, 2012

Sarah gusto na ng family, freedom, and love

Mahusay na mahusay nang mag-concert si Sarah Geronimo. Sa ginanap na 24/SG last Saturday night, ibang Sarah na ang napanood. Bukod sa gumaling siyang kumanta, aba, seksi-seksihan na ang mga outfit na gawa ng Dubai-based designer na si Furne One. Nakakatakang pinayagan siya ng kanyang Mommy Divine na magsuot ng mga ganun.

Pero sabi nga ni Sarah, 24 na siya at puwede na.

“Puwede nang maging 25,” sabay bawi niya habang tumatawa na akala ng audience ay puwede nang mag-boyfriend.

May concept ang show – si Jon Santos ang unang lumabas sa malaking screen as wicked witch at ibinigay ang three wishes - family, freedom, and love ni Sarah.

Nag-ala Mommy Dionisia Pacquiao, Annabelle Rama, Sen. Miriam Santiago, and Gov. Vilma Santos habang may sinasabing tungkol sa love life ng pop star.

Nag-duet din sila ng kanyang tatay na si Delfin na naggitara bilang pag-alala nung panahon na siya ang kasa-kasama ng anak sa mga sinasalihan nitong singing contest noong bata pa.

Pero ang sobrang ikinakilig ng fans ni Sarah ay nang duma­ting si Gerald Anderson. Hindi pa nag-uumpisa ang concert ay dumating na ang Kapamilya actor. Tilian ang buong Araneta. As in nakakabingi. Kasamang dumating ni Gerald ang kapatid.

Dumating din si John Lloyd Cruz.

Pero ang highlight ay nang lapitan ni Sarah si Gerald sa audience habang kumakanta ng It Might Be You. Nagpasama pa itong maglakad hanggang sa area sa dulo ng Patron section na holding hands ang dalawa para magpasalamat sa audience.

Tilian to the max lalo na ang popsters.

Anyway, bongga rin ang stage background na may special effects. Parang ganito ang ginagamit sa concert ni Rihanna. Nakadagdag din ang strobe lights na ang ganda ng effects.

Nanood din sina Dr. Vicki Belo kasama ang nali-link na si Al Galang, ang daughter niyang si Cristalle Henares, Maja Salvador, at Erik Santos.

May second night ang matagumpay na concert ni Sarah sa July 21.

No comments:

Post a Comment