NAGKAUSAP NA raw sina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez sa pictorial ng Enchanted Garden, ang bagong fantasy series ng TV5, kung saan magkasama sila. Pero bago ito, nagkapalitan din daw sila ng text messages matapos ang pagtu-tweet ng actress-TV host sa biglaang desisyong umalis bilang isa sa co-hosts ng Paparazzi Showbiz Exposed.
“Tumawag agad ako kay Ruffa,” kuwento ng mister ni Carmina Villaroel. “Pero I wasn’t able to reach her. Tapos nag-text na lang ako sa kanya. Nag-apologize ako sa kanya. Whether may kasalanan ako o wala. Kasi, you’re part of the team. So kumbaga sa basketball ‘yan, matalo o manalo kayo, your part of the group.
“So whether may kasalanan ako o wala, nag-apologize lang ako. Just in case na meron siyang sama ng loob. Pero wala naman siyang sama ng loob. Nag-reply siya. Wala. Hindi naman daw siya galit sa akin. Sa staff talaga siya may sama ng loob.”
Sa pictorial ng Enchanted Garden, naibulalas daw ni Ruffa sa kanya ang saloobin nito.
“In-explain niya sa akin kung bakit siya nasaktan. So she was hoping na instead of the bulungan portion ang nangyari, sana raw, nagkaroon ng konting VTR pa from family niya, gano’n. ‘Yon lang.”
Maraming nagsasabing parang delayed ang reaction ni Ruffa tungkol sa Bulong Ng Palad. Ang saya-saya pa nila after the show tapos biglang all of a sudden, may tweet na nagalit si Ruffa at aalis na sa show.
“Hindi ko na alam ‘yon. Eh, ‘yon nga, lahat naman nagulat. Siyempre, mamimili ka kasi kung magagalit ka on air o magagalit ka afterwards.”
Pero halimbawa kaya na hindi si Ruffa at ang asawa niyang si Carmina Villaroel ang nakasalang sa Bulong Ng Palad segment no’ng time na ‘yon at gano’n ang mga bulong na tanong, ano kaya ang mapi-feel niya bilang asawa nito? Mao-offend kaya siya o okey lang ‘yon for him kasi katuwaan lang?
“Ah, ako ‘yong tao kasi na hindi pikon, eh. Oo. ‘Yon. Hindi ako pikon kasi. In that case, hindi lang talaga nagustuhan ni Ruffa ‘yong segment niya. ‘Yon lang.”
LUCY TORRES will be running for re-election bilang congresswoman sa Leyte. Ang kanyang asawa namang si Richard Gomez, kinumpirma niyang ta-takbong mayor ng Ormoc City.
When asked kung bakit pagiging mayor ng Ormoc ang ginusto ni Richard, ang nasabi ni Lucy, “Because together, we can do a lot really for the district. Ngayon kasi, ‘yong mayor do’n, hindi ally. Maraming oras na nasasayang because magkaibang partido, eh. So it’s easier talaga if the mayor can work together with the representative.”
Dati no’ng tumakbo si Richard bilang congressman sa Leyte, may mga nagprotesta tungkol sa residency nito kaya nga siya na lang ang kumandidato bilang kapalit nito at nanalo naman nga siya. Ngayon, hindi kaya may mga magprotesta na naman sa pagtakbo ni Richard bilang mayor ng Ormoc City?
“Wala. Because even naman before, dapat wala namang protesta, eh. Kasi wala namang issue sa residency niya. I always feel that in an election, that’s why we have an election, so that people can decide. And kung sinuman ‘yong pinili ng tao, iyon ang susundin. ‘Di ba? Gano’n lang dapat kasimple.”
Kung magiging mayor ng Ormoc si Richard, doon na ito mas madalas na mamamalagi?
No comments:
Post a Comment