Thursday, August 23, 2012

Alden Richard naimpluwensiyahan nina Dingdong at Johnny Depp

Merong mga senyales na hinog na bilang aktor si Alden Richard. Bukod sa pagkakaroon ng sariling hukbo ng mga tagahanga, napapansin na rin ang abilidad niya sa pag-arte sa harap ng kamera.

Sa unang tingin ay aakalain na isa lang siya sa mga guwapong celebrity na nagkaroon ng taga­hanga dahil sa showbiz love teams. Pero masisilip sa malalim na sa kanyang pagkatao ang isang aktor na nakakita sa susi ng kahusayan at isang matinee idol na kumakalinga sa kanyang mga tagahanga.

Ngayon ay tinatamasa niya sa unang pagkaka­taon ang pribilehiyong maginng bida sa isang primetime teleserye kasama ng kanyang screen partner na si Louise delos Reyes. Isang hamon ngayon kay Alden kung paano mapapanatili ang chemistry nila ng kanyang love team na merong sariling sumusuportang mga tagahanga.

 “Pinag-iisipan naming mamalaging kaming da­lawa bilang pasasalamat sa fans. Kung mapapanatili namin ang chemistry na ito, magiging karapatdapat kami sa suporta ng mga manonood,” sabi ni Alden sa isang panayam.

Ginagampanan ni Alden ang karakter na Tisoy habang si Louise ay bilang si Elize sa GMA 7 hit series na One True Love. Dalawa silang nag-iibigan na may magkakaibang katayuan sa buhay. Positibo si Louise pagdating sa kanyang professional na kaibigan.

 “Malambing at maginoo si Alden. Madalas niyang kumustahin kung kompartable ako sa mga eksena namin,” wika ni Louise.

 Bilang patunay na tagumpay at merong mass appeal ang show, nadugtungan pa ito ng limang linggo. Kaya makakaasa ng mas marami pang makukulay at madramang kuwento sa primetime hit na ito. Patuloy naman ang papuri ng mga TV critic at press people sa pag-arte ni Alden.

Maraming humanga sa breakthrough performance ni Alden bilang batang Luis sa psycho-thriller film na The Road. Kabilang na rito ang pagkilala sa kanya sa   Golden Screen Awards sa taong ito. Nakakagulat dahil hindi siya dumaan sa workshop para magampanan niyang mabuti ang kanyang mga papel.

 “Binabasa ko lang mabuti ang iskrip at hayaang lumabas ang karakter na batang Luis,” paliwanag ni Alden.

   Nang tanungin kung sino ang mga aktor na pangunahing nakaimplu­wensiya sa kanya, binanggit ni Alden ang pangalan nina Dingdong Dantes at Johnny Depp.

No comments:

Post a Comment