Thursday, August 23, 2012

Kylie Padilla pinasisikat ng GMA

Malapit na ang storycon ng Haram, ang soap na pagtatambalan nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla at kung tama ang balita, sa September 3 na ang simula ng taping at October ang airing. Mauuna pa raw ito sa Temptation of Wife nina Marian Rivera at Dennis Trillo na November pa ang airing.

Big break na naman ito kay Kylie dahil from afternoon soap, sa primetime na siya ilalagay at si Dingdong pa ang makakapareha. Malaki ang tiwala sa kanya ng aktor at ng kanyang home network.

Wala pang nagli-leak kung sino ang makakasama nina Dingdong at Kylie sa Haram at ang narinig lang naming ay si Glaiza de Castro.

Napapansin namin, sunud-sunod ang paglu-launch ng Ch. 7 ng new leading ladies at leading men na rin. Nauna nang ilu-launch sina Andrea Torres at Bela Padilla at ngayon ay si Kylie naman. May magreklamo kayang parents at mana­gers?

No comments:

Post a Comment