Sa halip na magarbong parties, pinili ng Kapuso tween stars at GMA Artist Center (GMAAC) talents na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Kim Komatsu na ipagdiwang ang kanilang nagdaang mga kaarawan sa piling ng mga bata sa Manila Boys’ Town Complex sa Parang, Marikina.
Ginanap ang pagdiriwang kahapon, Agosto 21.
Masayang-masaya ang mahigit sa 50 kabataan, edad 3 to 12, mula sa Foundling Home ng Manila Boys Town sa birthday party at outreach program na inorganisa ng GMAAC.
Parang nakatagpo ng mga bagong ate at kuya ang mga bata kina Barbie, Derrick, at Kim.
Tuwang-tuwa naman ang tatlong tween stars nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang GMA News crew, dahil naging makahulugan daw ang selebrasyon ng birthday nila.
Nag-birthday si Barbie, 15, noong Hulyo 31; si Derrick, 17, noong Agosto 1; at si Kim, 18, noong Agosto 14.
Ayon kay Derrick, “Iba yung feeling kasi parang, usually, yung mga teenagers ngayon, isini-celebrate yung mga birthday sa mga gimik, ganun.
“Iba yung parang birthday-for-a-cause—yun nga yung parang sinasabi nila—kaya masarap yung feeling, nakakataba ng puso.”
Dagdag naman ni Kim, “At saka sobrang saya kasi hindi ka lang nag-enjoy, nakatulong ka pa.”
Ipinagmalaki naman ni Barbie ang mga bata dahil game na game daw ito na sumali sa lahat ng activities sa program.
Sabi ni Barbie, “Masaya kasi hindi sila mahiyain. Bibong-bibo silang lahat kaya nakakatuwa kasi parang nakaka-energize.”
Nagkaroon ng games para sa mga bata, at mismong sina Barbie, Derrick, at Kim ang nagdala ng mga papremyo mula sa kanilang sponsorships at endorsements.
Pinakain din nila ang mga bata at pagkatapos ay hinandugan ng mga awitin.
Nakisayaw rin sila sa mga bata kasama ang mascot ng isang sikat na food chain.
BIRTHDAY WISHES. Sunud-sunod daw ang blessings na natatanggap nina Barbie, Derrick, at Kim kaya nang matanong kung ano ang birthday wishes nila ay nakamit na raw nila ang mga ito.
Sa halip, ang wish na lang nila ay para sa mga bata ng Manila Boys Town.
Sabi ni Barbie, “Kasi marami na akong nakuha na wish ko, so yung wish ko, para naman sa kanila, na sana kahit ganito ang buhay nila, patuloy lang ang buhay at laban.
“At saka yung sabi ko kanina, rock and roll lang lagi.”
Ayon naman kay Kim, “Ako rin, nakamit ko na yung wish ko, kaya para sa kanila rin yung wish ko.
“Sana good health sila lagi kasi yung iba, dito lang sila nakatira, wala na yung mommy nila.
“Nagkuwento nga sa akin yung isang bata, sabi niya, ‘Gusto mo ikuwento ko sa iyo yung nangyari sa mommy ko?’ Tapos umiiyak siya, naawa ako.
“Kaya good health, yun ang wish ko.”
Para naman kay Derrick, “Yung wish ko para sa kanila rin na magkaroon sila ng bright future, kasi itong mga batang ito, sobrang talented nilang lahat.
“Mag-aral lang silang mabuti at laging magdadasal sa Panginoon, magiging maayos din ang mga buhay nila sa tulong din ng Boys’ Town.”
FULL SUPPORT FOR DERRICK. Mas naging espesyal pa ang selebrasyon ng birthday ni Derrick dahil sa pagkakapili sa kanya kamakailan bilang pinakabagong youth advocate ng National Youth Commission.
(CLICK HERE to read related story.)
Bagamat matagal nang nakaplano ang outreach program nila sa Manila Boys’ Town, nakikita naman ni Derrick na isang paraan ito para makatulong siya sa mga kabataan bilang youth ambassador.
Saad niya, “Bago ko naman ito tanggapin, nag-isip din ako na kaakibat nito yung mga responsibilidad na dapat kong gampanan.
“And siyempre, hindi naman po mawawala ang Diyos na laging nandirito para i-guide ako.
“At saka confident naman ako na hindi rin ako pababayaan ng GMA Artist Center, ng network [GMA-7], pati na rin ng family ko at ng manager kong si Manny Vallester.
“I hope I’ll be an effective ambassador.”
Nagpahayag naman ng paghanga at suporta sina Barbie at Kim sa kanilang kaibigan.
Sabi ni Barbie, “Siyempre proud ako kasi never kong in-expect na isang Derrick Monasterio magiging isang youth ambassador, kaya proud ako sa kanya.
“At sana magampanan niya nang mabuti yung responsibilidad niya.”
Ayon naman kay Kim, “Masaya rin ako para sa kanya kasi hindi ko ine-expect na siya yung pipiliin kaya kailangang galingan niya… galingan mo, Derrick.
“Good luck sa iyo. Nandito lang kami nakasuporta sa iyo.”
Samantala, patuloy na mapapanood ang tambalan nina Barbie at Derrick sa Luna Blanca.
Si Kim naman ay kasama sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Coffee Prince, na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

No comments:
Post a Comment