Wednesday, August 22, 2012

Maxene Magalona ang sex para sa kanya

Isa si Maxene Magalona sa mga artistang masarap interbyuhin—lalo na kung relaxed siya sa kanyang kausap—dahil hindi siya maramot sa pagsasabi kung ano ang nilalaman ng isip niya o nararamdaman niya.

Sa panayam ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang press kay Maxene noong August 17, sa taping ng Faithfully, may nagbato ng tanong kay Maxene kung ano ang stand niya sa pre-marital sex.

Noong una ay tila asiwa pa si Maxene na sagutin ito dahil hindi naman daw niya gustong pag-usapan ang sex life niya.

Pero sa huli ay malaya niyang ipinahayag ang kanyang saloobin sa sensitibong usaping ito.

“Yeah, I do approve of it," sabi ng aktres patungkol sa pre-marital sex.

Paliwanag niya, “Iba na ang panahon ngayon.

“I’m Catholic, don’t get me wrong. I believe in God, everything… Catholic ako.

“Pero ang sa akin, kung may sarili tayong paniniwala… Times are changing and we all should adapt.

“And, for me, in order for a relationship to work, you have to test your sexual chemistry.

“Sa akin, ganoon, ha.”

SEXUAL COMPATIBILITY. Naniniwala rin si Maxene na mahalagang bago mo mapakasalan ang isang tao, alam ninyo kung sexually compatible kayo o hindi.

“I mean, you’re gonna get married to this guy, if you don’t have sexual chemistry, how will you last a lifetime with him?” rason niya.

Paano yung mga pabor sa pre-marital sex ngunit single parents ngayon?

Sabi ni Maxene, “For me, yung sinasabi ko, iba na ang panahon ngayon.

“And if you want a relationship to work, parte talaga ang sex diyan, e.

“Ganoon ako mag-isip. Hindi na ako magde-deny na, 'Hindi po, hindi po kasi ako nakikipag-ano…'

“Hindi, aaminin ko talaga na it’s very important in a relationship that you and your partner have sexual chemistry.

“You’ll gonna eventually end up with him.

“Alangan namang… I mean, I don’t have anything against about people who wait until they get married.

"But ang akin lang, that’s how I am.

“Kung yung iba, gusto nilang maghintay hanggang sa ikasal sila, okay, sige, trip nila ‘yan.

“Basta ako, ang trip ko is gusto ko na kahit hindi pa ako kasal. 

“For me, label is nothing. It’s just a label.

“Puwede namang mag-boyfriend tayo pero hindi tayo mag-boyfriend, but we act like a couple.

“Ang importante sa akin is the content of the relationship.

“It doesn’t matter if you guys are married, as long as you have agreement na, ‘Eto tayo. This is how we feel about how we are, e, di sige. E, di tayo.

“'Kung ikakasal man tayo o hindi. Kung hindi tayo ikakasal, e, di hindi.'”

Nabanggit din ng isang reporter, bilang halimbawa, ang set-up nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, na hindi pa kasal hanggang ngayon ngunit masayang namumuhay kasama ang kanilang kambal na anak.

“Exactly, parang ganoon!” pagsang-ayon ni Maxene.

“And people think they are married, di ba? Mukha naman silang kasal, pero hindi.”

SINGLE PARENTS. Bilib daw si Maxene sa mga single parent na ginagawa ang responsibilidad nilang mag-isa.

Ibinigay nga niyang halimbawa ang sariling ina na si Pia Magalona.

Maagang nabiyuda si Pia dahil sa pagkamatay ng ama ni Maxene na si Francis Magalona mula sa sakit na leukemia.

Sabi ng Kapuso actress, “I applaud single parents. Like my mom, she’s a single parent.

“She was married, but now, she’s a single parent. 

“At the end, yun ang nangyari sa kanya—she ended up alone with eight kids.

“So, whether or not she’s married before, ang ending, single parent pa rin siya.

“So, I applaud her and each and every single parent because it’s not an easy job.

“Puwede kang maging single parent kasi hindi kayo nag-work ng partner mo.

“Puwede kang maging single parent kasi namatay ang asawa mo.

“But at the end, single parent ka pa rin. So, wala, e, yun ang ibinigay sa ‘yo ng Diyos.”

PRO-RH BILL. Ipinaliwanag din ni Maxene kung bakit pabor siyang maipasa ang pinagdedebatehan pa ring Reproductive Health Bill o RH Bill.              

“It’s because I want people to be careful and mind their actions talaga when it comes to sex.

“Kasi, sinasabi ko, hindi naman ako yung, ‘O sige, sex na, it’s something we can all have fun with.’

“For me, I use the word sex very casually but it’s very, very sacred for me.

“I can talk about it but it’s very, very sacred. It’s something I consider a very precious thing.

“So, ang gusto ko, matutunan ng mga tao na hindi naman ibig sabihin na porke’t pro-RH, pro-abortion na.

“It’s not about abortion. It’s not.

“Para sa akin, time is changing nga… dapat nga, responsible ka. Yun lang naman yun.”

Diin din ng 25-year-old actress, hindi siya yung tipong nakikipag-casual sex lang o one-night stand.

              

“Hindi ako ganoon, ‘no. I’m not!

“But again, I don’t judge people who do that. 

“At ang quote lang na makukuha niyo sa akin diyan, kanya-kanyang trip ‘yan in life. Walang basagan ng trip.

“Kung ikaw, trip mong makipag-one-night stand, go!

“Kung ikaw, trip mong maghintay hanggang ikasal ka bago kayo mag-sex, go!

“Kung ako, trip ko na makipag-pre-marital sex with my boyfriend, it’s my own choice.

“But the thing is, huwag kang manininisi kung may mangyaring masama sa ‘yo.

“Kung mabuntis ka, wala kang sisisihin kung hindi sarili mo.

“Yun na nga, e… ako, I’ve been very careful.

“I’ve been very well-protected, since the whole time I’ve been sexually active, well-protected talaga.

“Yun lang naman yun, kanya-kanyang trip. Pero, be responsible."

EX-BOYFRIENDS. Si Maxene na rin ang nag-open sa isyung galit daw siya sa mga naging ex niya o mga na-link sa kanya dati?

Aniya, “Yun nga, e, tinatanong nila, ‘Galit ka ba kay JC [Tiuseco], kay Neil [Arce], kay Dom [Roco]?’

“Bakit ako magagalit? Dahil nag-break kami, hindi kami nag-work out? Bakit ako magagalit?

“Mas okay nga na nag-break na lang kami kesa yung pipilitin namin na maging kami, pero hindi naman kami masaya.”

STAGE SISTER. Tinanong din ng PEP si Maxene ang pagiging ate niya sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Halimbawa, sa Party Pilipinas, makikita raw si Maxene na inaasikaso ang mga kapatid na sina Elmo at Frank Magalona.

Nasasabihan na nga raw si Maxene na “stage sister.”

Reaksiyon niya rito: “Super! People kept saying that there’s sibling rivalry among us. Pero wala talaga.

“Super proud ako sa mga kapatid ko.”

Nadi-discuss din kaya ni Maxene sa mga kapatid niya ang kanyang pananaw tungkol sa sex?

“Ang palagi ko lang sinasabi sa kanilang lahat, 'Better late than pregnant. Better nang late na ang period mo kesa naman ma-pregnant ka.'

“At yun ang sinasabi ng mommy ko, and the only thing na na-stuck sa head ko—my mom never had to be, yung tutok sa amin?

“Hindi naman nakabantay-sarado ang mom ko sa amin.

“Kasi, lahat kami, nakatira na kami on our own.

“Imagine, all of us—ako 25 na, si Frank 24, si Saab 23—none of us had to go through teenage pregnancy.

“And my mom was telling, ‘If you got pregnant early, then say goodbye to your life,’ because that’s what she went through.

“She got pregnant at 18.

“Ang sabi lang namin no’n, ‘Oo nga, ‘no?’

“So, if you want to be sexually active, then you have to be careful kasi ayaw naming mabuntis o ayaw naming magka-anak.”

Ano ang ipinapayo niya sa kanyang kapatid, tulad ni Elmo?

“Hindi ko kasi sila ina-advice, hindi ko sila inuupo na, ‘O, ano Elmo, ganito dapat makipag-sex.’ Hindi ako ganoon.

“Pero ipinapakita ko sa kanila and we talk about it sometimes, pero pabiro lang na ganito, ganyan.

“Ginagawa kong biro. Pero at the same time, ipinapakita ko sa kanila na, ‘If you need my advice, nandito ako para sa inyo.’

“And actually, hindi naman nila kailangan ang tulong ko kasi lahat sila matatalino at kaya na nila on their own.

“Ang sa akin lang, ‘Kayo na ‘yan. Hindi ko kayo babantayan.’

“Ganoon kami, super close kaming magkakapatid, pero hindi kami yung ‘O, bakit late ka na naman? O bakit ganoon?’ Kasi, buhay niya ‘yan.

“At kapag pinagsabihan ko siya, may right na rin siyang pagsabihan ako.”

Natuto na rin daw si Maxene sa naging relasyon nila ni Saab noon na nag-away sila. Pero ngayon ay okay na raw sila.

No comments:

Post a Comment