Wednesday, August 22, 2012

Dingdong Dantes ayaw nang makisosyo kay Karylle

Kung kailan naman lumabas ’yung item na payag na si Karylle na makatrabahong muli ang kanyang ex na si 

Dingdong Dantes at saka naman lumabas ’yung ginawang pagtanggi ng aktor na makisosyong muli sa 

panibagong branch ng Center Stage, isang videoke bar na matatagpuan sa corner ng Morato at Timog 

Avenues, sa Quezon City.

May balak kasi na magbukas ng bagong bra­nch sa SM Mall of Asia ang nasabing karaoke bar na una nilang 

pinagsosyohan nung may relasyon pa sila. Hindi naman naging dahilan ang paghihiwalay nila para maghiwalay 

sila sa itinayo nilang negosyo

Hindi nga lamang naging hands-on ang aktor sa nasabing lugar pero patuloy siyang tumatanggap ng kita mula rito.

Sinabi ng aktor na hindi siya aware na may panahon pala ayaw makitrabaho sa kanya ni Ka­rylle. Wala kasi 

siyang alok na project na kasama ito kaya hindi pumasok sa isip niya na ayaw siya nitong makatrabaho. O, 

ang posibilidad na siya ang dahilan ng pag-alis nito sa network na pinagsamahan nila ng ilang taon. Sa ngayon, 

abala si Dingdong sa Tiktik (The Aswang Chronicles) na kung saan ay itinatampok siya bukod pa sa isa rin 

siya sa mga producer nito.

No comments:

Post a Comment