Wednesday, August 22, 2012

Jake Vargas Hindi nag gigirlfriend dahil gusto muna niyang mag focus sa career

May indie film na ginagawa ngayon si Jake Vargas, ang Delusion, kung saan siya ang bida.

Role ng isang drug addict ang ginagampanan niya sa pelikula na idinidirek ni Buboy Tan.

Kasama niya sa cast sina Jao Mapa, Julio Diaz, Ara Mina, at may special participation si Bea Binene bilang love interest niya.

“Challenging po para sa akin yung role ko kasi mahirap para sa akin na iarte yung character ng isang drug addict.

“Hindi ko naman po na-exprience na mag-drugs! Wala akong idea kung paano ba yung taong nagdo-droga na laging sabog!” natatawang sabi ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, August 19.

Paano siya nag-prepare for the role?

“Nagpaturo po ako kay Romano Vasquez,” banggit ni Jake sa isa pa niyang kasamahan sa pelikula.

Si Romano ay dating miyembro ng youth-oriented show na That's Entertainment at umaming nalulong sa droga noon.

“Sabi kasi ni Direk Buboy, tanungin ko raw si Romano kung paano maging drug addict.  

“So, tinanong ko naman si Romano. Hindi naman siya na-offend nang tanungin ko.

“Kasi prangkang tao naman siya, e. And binigyan nga niya ako ng idea kung paano.”


JAKE IS THE BREADWINNER. Si Jake ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya ngayon.

Ito ang dahilan kung bakit tila wala siyang kapaguran pagdating sa pagtatrabaho.

Bukod sa pag-arte, nagpapasalamat si Jake na hindi nawawalan ng kumukuha sa kanya para sa mga shows at personal appearances sa kung saan-saang lugar.

Aniya, “Hindi naman po ako nahihirapan sa pagiging breadwinner ng pamilya namin.

“Masarap po sa pakiramdam na nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay. Masaya po ako.”

       

Yung pagiging breadwinner din ba niya ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya makapag-girlfriend?

“Hindi naman po!” sabay ngiti niya.

“Puwede naman po akong manligaw. Kaya lang, gusto ko pong mag-focus sa career ko lang muna talaga.

“Nineteen pa lang naman po ako, so okay lang kung hindi muna ako magka-girlfriend.”

Sa tantiya niya, sa anong edad siya pupuwedeng magkaroon ng lovelife?

“’Pag twenty-seven na ako! Hindi… joke lang po!” natawa si Jake sa sinabi.

“Anytime naman po, e. Kahit ngayon, puwede naman akong manligaw kung gugustuhin ko.”

BEA BINENE. Kaugnay nito, marami ang nakakapansin sa pagiging malapit nila ni Bea Binene at tila may espesyal na silang pagtitinginan sa ngayon.

Nauwi na ba sa totohanan ang kanilang loveteam?

Sagot ni Jake, “Very close po talaga kami ni Bea. Special po talaga para sa amin ang isa’t isa, pero as friends lang.

“We’re good friends.

“And kahit po wala kaming palabas sa TV ngayon na kami ang magkasama, okey lang.

“Hindi naman mawawala yung pagkakaibigan o closeness naming dalawa.

“At saka, pareho po kami ni Bea na sa career muna gustong mag-focus.

“Masaya naman po kami sa pagiging magkaibigan lang muna.”

Kung sabagay, sinasabi nga na ang isang relasyon ay mas maganda raw kung sa pagiging magkaibigan muna magsisimula.

Sang-ayon naman dito si Jake.

Aniya, “Oo nga raw po. E, tingnan na lang natin.

“Basta sa ngayon, okey muna po kami sa pagiging magkaibigan lang.”

No comments:

Post a Comment