May tatlong buwan na palang walang acting project sa GMA-7 si Mark Herras.
Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Hiram Na Puso na pinagtambalan nila ni Kris Bernal.
Sa panayam ng Hot Pinoy Showbiz kay Mark sa labas ng studio ng Party Pilipinas noong Linggo, August 19, sinabi niyang may iba naman siyang ginagawa habang naghihintay ng bagong trabaho sa Kapuso network.
Pagbabalita niya, “Dami kaming mga workshops na ginawa, and Party Pilipinas every Sunday, at saka tadtad naman kami ng regional shows para sa GMA.
“At ‘eto na, third generation ng Luna Blanca, papasok na ako.”
Sino ang magiging kapareha niya kina Heart Evangelista at Bianca King, na papalit sa roles nina Barbie Forteza at Bea Binene, sa primetime series na ito?
“Actually, hindi ko pa alam yung tatakbuhan nung role ko.
“Ang alam ko lang, yung role ko, si Kristoffer [Martin]. Eto yung kina Bea and Barbie.
“Ako yung susunod na Kristoffer pagtanda niya.
“Tapos, yung buong story, malalaman ko sa August 28, sa story conference na.”
MARK’S CAREER. Kapansin-pansing may karamdaman si Mark noong sandaling iyon dahil panay ang pahid niya ng panyo sa kanyang ilong.
Matamlay rin siya habang kausap namin.
Tiniyak naman ni Mark sa amin na simpleng sipon lang ito dahil sa pabagu-bagong panahon.
Tinanong namin siya kung hindi ba siya nalulungkot sa nangyayari sa kanyang career.
Dati kasi ay kaliwa’t kanan ang kanyang trabaho, pero ngayon ay tila nababakante na siya nang matagal.
“Siguro ano lang… balance lang din,” sagot niya.
“Pero hindi tulad before na parang… ngayon, kahit anong role ang ibigay sa akin as long as maganda at…
“Okey naman na may pahinga, kasi pangit naman kung every day kang may trabaho tapos haggard yung hitsura mo, di ba?"
END OF AN ERA. Tapos na ba ang matinee-idol days niya at gusto na niyang gumanap ng mas challenging naroles?
“Siguro… siguro tapos na rin. At okey na rin akong gumawa ng mas mga serious roles,” sagot niya.
Puwede ba siya sa mga kontrabida roles?
“Kung bibigyan ako, at sa palagay ng GMA bagay sa akin ang gumawa ng mga ganung roles, walang dahilan para tanggihan ko.
"Okey lang sa akin.”
Pagkatapos manalo ni Mark sa kauna-unahang season ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck, namayagpag ang career ni Mark.
Naging patok din sa fans ang tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Frontliner ang pangalan noon ni Mark sa hanay ng mga kasabayang young stars sa GMA-7. Pero marami ang nakapansing lumamlam ang career niya nitong mga nakaraang taon.
Pasintabing itinanong namin kay Mark kung sa palagay ba niya ay lumipas na ang init niya sa showbiz? O sadyang nagbigay-daan lang siya sa mga baguhan at mas ginusto niyang maging mature actor na?
Sagot niya, “Hindi ko masabi kung lumipas, e. Pero as long as active pa rin naman ako sa GMA…
“Siguro yung paglipas na yun, hindi na ako gumagawa ng mga teen movie, e, or yung mga teen roles.
“Kasi nandiyan yung Tween Hearts. Nandiyan rin sina Alden Richards...
“Kasi yung sa akin naman, ini-level ko ang sarili ko sa mature na.
“Kumbaga, never naman akong…siyempre ayoko namang malaos.
“Pero hindi ko naman iniisip na mawawalan ako ng career dahil sa pagdating ng mga bagong artista.
“I’m just happy, after seven years, I’m still here.”
Dagdag niya, “Okey, nandun tayo sa mababa or mabagal na takbo ng career ko.
“Pero ang maganda kasi, naalagaan ko.
“And every after work, nakikita ko… kunwari dito sa show na ito, hindi ko masyadong ginalingan, kaya dapat sa next, ibubuhos ko yung effort.
“At least napag-aaralan ko yung mga nangyayari sa akin, or yung mga nagawa ko nang mga projects.
“Sa bawat ibinibigay sa aking trabaho, mapag-aaralan kong galingan pa nang husto.”
LOVETEAMS. Si Elmo Magalona ang itinuturing na nangunguna sa hanay ng teen stars ngayon sa GMA-7, lalo’t itinatambal ito sa singer na si Julie Anne San Jose.
Parang ganito rin noon si Mark habang ginu-groom ang team-up nila ni Jennylyn Mercado.
Nakikita ba ni Mark ang sarili kay Elmo noong kasagsagan ng loveteam nila ni Jennylyn?
“Parang ganun yung mga stage namin before, na super loveteam, na talagang lahat ng show, kasama yung loveteam.
“Pero I’m still happy na hindi pa rin nawawala yung mga loveteams sa mga generation ngayon after many years.
“Ako, naabutan ko yung kalakasan ng loveteam. Lumagpas na ako sa mga loveteam era.
“At least, may mga bago pa ring ginu-groom ngayon.”
May nakikita ba siyang pagbabago sa mga loveteams noong panahon nila kumpara sa mga bagong loveteams ngayon?
“Siguro ang bago lang yung mga mukha nila and yung mga pairing.
“Pero 'pag tiningnan mo sa isang banda, nandun pa rin yung sweetness. Sweet pa rin sa isa’t isa.
“Maraming mga followers ang mga loveteams.”
YNNA ASISTIO. Tungkol naman sa kanila ng girlfriend niyang si Ynna Asistio, kumusta na sila?
“We’re okay. We’re still happy. Four years and six months na kami,” pagmamalaki ni Mark.
Hindi nakilala si Mark na tumatagal sa isang babae. Base sa kanyang mga nagdaang lovelife, umaabot lang ito ng buwan o higit lang sa isang taon.
Pero apat na taon na ngayon ang relasyon nila ni Ynna.
Ano ang sikreto nila?
“Siguro ano lang… I’m 25, e. I’m turning 26 this December. Siguro talagang nag-mature na lang yung utak ko.”
Ano ba ang espesyal sa relasyon nila ni Ynna at tumagal ito ng ganito?
“Si Ynna kasi, yung pang-unawa niya, talagang lahat ng bagay iniintindi niya—'pag may problema, 'pag may issue.
“Tapos, sinusuportahan namin ang trabaho ng isa't isa. Hindi kami hadlang sa isa’t isa.”
Kumusta naman si Ynna?
“Okey naman siya ngayon. Nagte-taping na siya nung show nina Mikael Daez at Andrea Torres, kasama siya roon,” banggit ni Mark sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

No comments:
Post a Comment