Inihayag ng kampo ni Katrina Halili na iaapela pa rin nila ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na kumatig sa nauna nilang desisyon na walang criminal liability si Hayden Kho Jr sa pagkalat sa Internet ng video ng kanilang pagtatalik.
Sa ulat ng GMA News TVs Balitanghali nitong Biyernes, sinabi umano ng kampo ng aktres na maghahain sila ng motion for reconsideration sa naging desisyon ng Second Division ng CA na pinonente ni Associate Justice Manuel Barrios.
Idinagdag pa sa naturang ulat na kasama rin sa pag-aaral ng kampo ni Katrina na iakyat sa Korte Suprema ang naturang usapin.
Ang desisyon na ipinalabas ni Barrios ay pagpapatibay sa nauna nang desisyon na ipinalabas ng CA noong Enero 25, 2011, na nagbabasura sa reklamo ni Katrina laban kay Hayden.
Kinasuhan ni Katrina si Hayden ng paglabag sa Republic Act No. 9262, or the Anti-Violence Against Women and Children Act, dahil sa alegasyon na may kinalaman ito sa pagpapakalat ng kanilang sex video noong 2009.
Iginiit din ni Katrina na hindi niya alam na inirekord ni Hayden ang pribado nilang sandali.
Sa naturang desisyon ng CA, sinabing nabigo ang kampo ni Katrina na patunayan na hindi alam ng aktres ang pagkakaroon ng video, at patunayan na si Hayden ang nasa likod ng pagpapakalat nito.
“It is our considered view that public respondent did not commit grave abuse of discretion in denying due course to the appeal. A petition for certiorari must show that the trial court committed an act in such a capricious, whimsical manner that the abuse of discretion becomes patent and gross as to amount to an evasion of a positive duty or a virtual refusal to perform a duty enjoined by law," nakasaad sa desisyon ng CA na kinatigan nina Associate Justices Remedios Salazar-Fernando at Normandie Pizarro.
Dahil sa naturang iskandalo, tinanggalan ng Professional Regulation Commission ng
lisensiya si Hayden bilang duktor.
Samantala, inaaasang magsisilang ng una nilang anak ni Kris Lawrence si Katrina sa Setyembre.

No comments:
Post a Comment