Friday, August 17, 2012

Direk Mac compares Julie Anne-Elmo loveteam to Angel-Richard tandem

Nitong Miyerkules, August 15, ang unang araw na showing ng pelikulang Just One Summer ng GMA Films.

Mula ito sa direksiyon ni Mac Alejandre, at pinagbibidahan ng tambalang Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Bago ang premiere night ng pelikula noong Lunes ng gabi, August 13, sa SM Megamall, nagkaroon muna ng press conference sa Max’s restaurant sa fourth level ng naturang mall sa Mandaluyong City.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Mac tungkol sa kaibahan ng Just One Summer sa isa pang pelikulang palabas ngayong linggong ito.

Kasabay nilang nagbukas kahapon ang The Reunion ng Star Cinema. Mga kabataang artista rin ang bida sa pelikulang ito.

Sabi ni Direk Mac, “Ang unang pagkakaiba, ang mga bida ay sina Julie Anne at Elmo. Sila ang pinakamalakas na bagong loveteam.

"Ikalawa, dalawa sila na magaling kumanta.

"Ikatlo, yung isa, e, anak ng Master Rapper [Francis M] at yung isa, reyna ng YouTube.

“Walang katulad nila sa mga cast ngayon kung hindi sila."

RIGHT TIMING. Naniniwala ba siya na ito ang tamang panahon upang i-launch ang loveteam nina Elmo at Julie Anne sa pelikula?

Sagot ni Direk Mac, “Naniniwala ako sa kanila at naniniwala ako na ito ang panahon nila.

"Naniniwala ako na this film will make their career."

Ayon pa sa film and TV director, may “magic" talaga ang tambalang Julie Anne at Elmo—o JuliElmo

Isa sa patunay ni Direk Mac ay nang biglaang nag-duet ng “Girl Be Mine" ang dalawa noong press conference.

“Nakita ninyo nang mag-duet sila? Ang lakas. May energy, e.

“I think because si Elmo is aspirational. Anak siya ng Master Rapper, hindi maangas, mabait. Gusto mo siyang idolohin.

“Noong bata ka, gusto mong maging ikaw si Elmo.

"Tapos kung babae ka, gusto mo siyang ipakilala sa nanay mo.

“Tapos kung nanay ka, gusto mo siyang boyfriend ng anak mo kasi you will feel safe as opposed to somebody na from the ranks, sumali sa contest, hindi anak ng Master Rapper...

"Brilliant boy, very talented...

"Then they meet.

“Ang chemistry, hindi lang sa ano ang nakikita mo at nararamdaman mo.

“Ang chemistry ay dahil nararamdaman mo yun dahil may sitwasyon na nakapaligid dito.

“Bago sila na-push, nakita natin kung paano si Elmo, naging mukha ni Francis M noong mawala si Francis M.

“So, it was an emotional journey.

"And somehow, kapag pinartner mo sila sa isa’t isa, ang feeling mo, safe sila para sa isa’t isa.

“Ang feeling mo, safe sila, wholesome na wholesome sila.

"Gusto mong alagaan para hindi sila mabihiran."

ONLINE FANS. Talagang nandoon ang risk sa parte ng GMA Films sa pagpu-produce ng launching movie nina Julie Anne at Elmo dahil ngayon pa lang masusubok ang hatak nila sa takilya.

Wala ring assurance kung pipila at magbabayad sa sinehan ang kanilang fans, na very active sa social networking sites kaya madalas mag-trending ang dalawa sa Twitter.

Sabi naman ni Direk Mac dito, “Wala, walang assurance. Wala kaming assurance.

“Ang ginagawa lang namin ay ipinaparating namin sa mga humahanga sa kanila na kapag naglabas sila ng pera at nagbayad sa sinehan, mas higit pa yun sa makukuha nila kaysa sa YouTube.

“It is so funny. Ako ang nakakita na unang buo ang pelikula, ako yun, e.

“Noong makita ng mga producers, iba ang pakiramdam nila. Iba siya, e. Iba siya."

Dugtong pa niya, “Malaking assurance, hindi ka nagsisimula sa zero.

“Ako, I will go back that they are two aspirational products.

“May lineage, may royal blood ang lalaki at yung royal blood niya, hindi niya ginagamit.

“Inaalagaan niya. Bina-value niya, minamahal niya. Malaking bagay yun."

WORK ATTITUDE. Kinumusta rin ng PEP kay Direk Mac ang pakikipagtrabaho niya kina Julie Anne at Elmo.

Aniya, “Mabait sila, mabait na mabait."

Kumusta ang pag-arte ng dalawa? Nakatulong ba ang workshops na hinawakan ni Ana Feleo bilang acting coach?

“You’ll be surprised. Kinarir namin.

"We are coming from the comments, yung una nilang pelikula [Tween Academy]. Hindi kami bulag sa mga comments.

"At heto, kinuha nila ‘ko. Hindi puwedeng hindi sila mag-improve. Hindi puwede, absolutely, hindi.

“They will have to go through these whatever is needed for them to improve on but over and above the improvement.

“I think, ang importante, ini-introduce namin sila sa craft na puwede nilang mahalin.

“At ini-introduce namin sila sa craft na hindi puwedeng mahiwalay sa kanilang pagkatao."

NEXT LOVETEAM. Si Direk Mac ay tinaguriang "loveteam director" dahil sa pagbubuo niya ng mga sikat na loveteams.

Sa kanya nagsimula ang mga tambalang Donna Cruz-Ian de Leon, Angelu de Leon-Bobby Andrews, Jennylyn Mercado-Mark Herras, at iba pa.

Kanino niya maihahambing ang JuliElmo loveteam?

“Silang dalawa? Richard Gutierrez and Angel Locsin," sagot ni Direk Mac.

“Noong ginawa ko yung Let The Love Begin [2005], pagkatapos kong gawin, I felt comfortable.

“I wanted to protect Richard and I wanted to protect Angel.

“It was a very simple story pero hanggang ngayon, yung Let The Love Begin was the highest-grossing film ng GMA Films.

“Pero ngayon, may dagdag—singer itong mga ito [Julie Anne and Elmo].

"Isang namana sa isang icon at isang from the ranks na kailangang mapatunayan.

“Isang pagpapatunay na mahirap kasi, hindi siya ang nanalo sa contest."

Ang tinutukoy ni Direk Mac ay ang pagsali noon ni Julie Anne sa singing search ng QTV 11 na Pop Star Kids (2005) hosted by Kyla.

Finalist lang noon si Julie Anne at ang tumalo sa kanya ay si Rita Iringan, na napapanood ngayon sa One True Love ng GMA-7.

CONFLICT OF INTEREST. Nang ginawa ni Direk Mac ang Just One Summer ay nasa Kapatid network na siya.

Hindi ba siya nagkaroon ng problema na gumagawa ng pelikula sa GMA Films samantalang lumipat na siya ng network?

Sabi ni Direk Mac, “Ang buhay ko sa telebisyon ay hiwalay sa buhay ko sa pelikula.

“So, I will always continue to work with producers who want to get my services and whose belief in me equals my belief in them and the project.

“We’re friends—mga kaibigan ko sina Annette [Gozon-Abrogar], sina Joey [Abacan], Tracy [Garcia]," pagtukoy niya sa executives ng GMA Films.

“So, malinaw na noong lumipat ako, walang kinalaman ang pelikula.

“Sila mismo ang may sabi na, ‘Sana, keep your film light… open para sa amin.'

“Sabi ko naman, ‘Don’t worry, hindi kasama ang pelikula sa exclusivity.’

“Meron akong kontrata sa kabila na pelikula pero hindi exclusive—one picture with Studio 5.

"Sa TV, exclusive for four years.

No comments:

Post a Comment