Friday, August 10, 2012

Dennis Trillo magiging asawa na si Marian Rivera

Matagal na naming na-blind item na pagtatambal nina Dennis Trillo at Marian Rivera sa Pinoy adaptation ng Korean novela na Temptation of Wife. Ang dalawa ang gaganap sa role nina Marcel at Angeline at ang nadinig naming napili sa role ni Heidi ay si Alessandra de Rossi.

Para sa role ni Nigel, ang magiging BF ni Angeline, ibibigay ito sa Kapamilya actor na lilipat sa GMA 7. Ang Temptation of Wife ang magiging first regular show ng actor dahil maggi-guest muna siya sa Aso ni San Roque.

Wala sa storycon ng Aso ni San Roque ang Kapamilya actor dahil that time, hindi pa nami-meet ang bossing ng Channel 7 at hindi pa nakakapirma ng kontrata. Kundi this week, next week ay tiyak na ang pagharap ng aktor sa management ng network at kasunod na nito ang pagpirma niya ng kontrata.

Nagkasama na sina Marian at Dennis sa Endless Love, ngayon lang sila magtatambal at mag-asawa pa ang role. Bida-kontrabida ang role rito ni Dennis, tiyak na kaiinisan siya ng viewers.

Sina Dennis at Alex ay nagkasama na rin pero ngayon lang sila magtatambal. Magandang abangan ang kanilang mga eksena at hintayin din natin ang iba pang bubuo ng cast at kung sino ang magiging director ng Temptation of Wife.

No comments:

Post a Comment