Friday, August 17, 2012

Heart tinalbugan si Kris sa pakikiramay kay Sen. Chiz

Marami sa mga nakikiramay sa pagkamatay ng ama ni Sen. Chiz Escudero ang nagsasabing madalas nilang makita sa burol si Heart Evangelista. Dahil dito, naniniwala na silang meron ngang namamagitan sa dalawa. Minsan nga ay naabutan pa ito ng dating asawa ng senador na si Cristine.

Pumunta’t nakiramay din si Kris Aquino pero sa serbisyo na lang na ginanap sa Kongreso ito nakita. Sa lahat ng mga nakikiramay, pinakamatagal si Heart na siyang dahilan para paniwalaan ng lahat na pinaka-espesyal ito sa mga nali-link sa senador.

No comments:

Post a Comment