Friday, August 17, 2012

Bea Binene nanginig sa album

“Singer at recording star na ako,” bati sa amin ni Bea Binene sa launching ng kanyang Hey, It’s Me! Bea album from Galaxy Records and distributed ng PolyEast. Two years ang kontrata ni Bea sa Galaxy. Nagta-try din siyang magsulat ng songs.

All-revival ang five-track album na Urong Sulong ang carrier single. Kasama rin ang title-track, Sayang na Sayang. Solo niya ng Mahal Kita Walang Iba at duet nila ni Jake Vargas ng same song. May kasamang minus one ng five tracks ang album para mag-sing-a-long kayo.

Kuwento ni Bea, nanginig siya sa first day recording session niya at kinaba­han din nang unang mag-promote ng album sa Startalk. Ang Sayang na Sayang ang favorite niya dahil alam niya ang songs at confident siyang kantahin.

Balita rin ni Bea, baka sa Aug. 27, ang last taping day nila ni Barbie Forteza sa Luna Blanca. Wala pa siyang alam na next soap pero baka makasama sa Co?o Problem, entry ng GMA Films sa December filmfest na baka gawing Sosyal Problem.

No comments:

Post a Comment