Friday, August 17, 2012

Mga kanta ni Julie Anne San Jose marami ring download sa ibang bansa

Hindi lang sa Pilipinas may fans si Julie Anne San Jose at patunay ang pagpasok sa iTunes Taiwan, Hong Kong, Singapore, Malaysia, at Thailand ng kanyang self-titled album. Hindi alam kung mga Pinoy din based sa mga nabanggit na bansa ang nagda-download ng songs ni Julie Anne sa iTunes, ang importante, pasok ang debut album niya under GMA Records.

Ang hindi makapag-download, hinihintay ang release ng physical album ni Julie Anne sa Aug. 18 and the following week pa sa provinces. Mabibili ang album sa Astroplus at Astrovision outlets.

No comments:

Post a Comment