Sa pagkakapanalo ni Judy Ann Santos bilang Best Actress sa nakaraang Cinemalaya Festival, hindi inakala ng Batang Superstar na sa unang pagkakataon niyang makasali sa prestigious independent movie film festival na ito ay masusungkit niya pa ang Best Actress award para sa pelikulang Mumunting Lihim.“Gulat na gulat ako siyempre sa dami ng kasali, sa dami ng pelikula na napakaganda at napakahusay na kasama sa Cinemalaya, parang suntok talaga sa buwan na makasungkit ka ng Best Actress at Best Supporting na agad-agad lang.” Sobra-sobra din ang pasasalamat ng aktres dahil sa natamo niyang ito, “I have been wanting to do a Cinemalaya movie ever since, ngayon lang ako nagkaroon ng chance to make one at nakatsamba pa. Thank you Lord, thank you.”
Ibig sabihin ba nito ay mas inspirado si Judai na mas gumawa ng mga independent films, “Yeah why not if there is a nice project, a good material and a good director to work with again bakit hindi kung talaga namang kaya ng schedule at mapapagbigyan ang mga hiling ko bakit hindi?”
Nakakuha na rin ng maraming Best Actress Award si Judy Ann sa iba’t ibang mga award giving bodies pero ngayong sa larangan ng mga independent films ay nakasungkit din siya. May pagkakaiba ba ang pakiramdam sa pagtanggap mula sa mga mainstream award giving bodies kumpara sa pagtanggap ng award tulad ng sa Cinemalaya? “Oo kasi parang hindi naman sa nagbibigay ako ng definition sa mainstream awards its just that pag sinabi mong Cinemalaya ay puro mga indie filmmakers meaning they don’t really care much about mainstream movies, the awarding, gusto lang nila gumawa ng distinct ng pelikula at makatawid ng pelikulang malalim sa mga tao, out of the box na pelikula.”
Ibinahagi din ni Judai na bago pa man ang lahat napakalapit na ng proyektong ito sa psuo niya. “Unang pelikula ko ito sa Cinemalaya at alam ko kung gaano kalapit sa puso ni Direk Joey (Reyes) ito at kung gaano kahalaga ang pelikulang ito at alam ko kung gaano kami kasayang ginagawa ang pelikulang ito, palaging ganun e. Pag masaya ka pala talagang gumagawa ng isang proyekto at buo sa puso mo ang pagtanggap ng proyektong ito gagawin mo kaagad ang gusto ng direktor, walang pagdadalawang-isip, walang pag-aalinlangan, walang pagtatanong basta you will just jump into it atuuwi ka ng nakangiti kasi alam mong meron kamg maayos na pelikulang ginagawa at parte ka ng obra ng isang batikang direktor.”
Nang simulan ni Judai ang una niyang independent film na Ploning, nakaramdam siya ng uhaw sa pagiging isang magaling na aktres kaya naman sa isa sa kanyang mga panayam noon nang tanungin siya tungkol dito, nabanggit niya dati na nasa punto siya ng kanyang karera na gusto niyang mas gumawa ng ganitong mga proyekto dahil mas naipapakita nito ang kakayahan niya bilang aktres. At dahil nga sa pagkapanalo niyang ito sa Cinemalaya, mukha bang itutuloy niya na ang planong ito? “Well, tignan natin kasi hindi naman akong magsisinungaling na siyempre lahat naman tayo bilang artista naghahanap ka ng isang vehicle na magdadala sa iyo ng tamang pag-arte, na ipapakita mo sa tao ang talento mo sa pag-arte pero hindi rin ako magsisinungaling na gusto kong gumawa ng mainstream kasi nandun yung pera. Diba nandiyan yung trabaho, nandiyan yung makikita ka ng tao, hindi ko itatago yun kasi nagtatrabaho naman tayong lahat at ang ending naman natin lahat ay mag-ipon.”
Makikita kay Judy Ann na kahit napatunayan niya na ang kanyang sarili hindi lang sa larangan ng pelikula, pati sa telebisyon hindi siya tumitigil para iangat pa ang kanyang sarili sa kanyang napiling larangan. “Yung paggawa ng magandang pelikula nasa puso mo na yun bilang artista, your thirst is there, gusto ma-satisfy yung thirst na yun at ipakita sa tao na kaya ko naman po bigyan niyo lang ako ng tamangvehicle at nagkataon lang na ito na yun and I really made the right decision.”

No comments:
Post a Comment