Something different para kay Julia Montes ang role niya sa pelikulang The Reunion dahil may twist ang character niya sa istorya. Masasabing naipakita rito ni Julia na bilang aktres ay marami pa siyang kayang gampanan at hindi lang basta leading lady.
“Na-enjoy ko kasi ibang-iba talaga siya, ginawa akong manang, nginarag ang itsura ko, napilay ako, so ibang-iba sa mga nagawa kong character,” paglalarawan ni Julia.
Without spoiling her character in the movie, may mangyayari sa character ng aktres at para maging convincing ay pinagpaguran daw niya ito. “Mahirap in a way kung paano itatago at nakakangalay siya pero magandang experience. At least nakaka-refresh na ibang Julia ang naipapakita.”
Sa premiere night ng pelikula sa SM Megamall noong Martes, Agosto 14, sinabi ni Julia na may kaba siyang nararamdaman sa pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan. “Pero ang ganda lang din kasi nu’ng movie, ang light. Alam ko tayong lahat gusto lang talaga natin ng light sa buhay and dito, hindi lang lightness, makaka-relate ka pa. Panatag ako kasi lahat ng tao makaka-relate (sa movie),” paliwanag ng aktres.
Malapit din daw sa kanya ang kanyang character na si Ligaya. “May silent-type moment kasi ako na handa akong magtago para sa ikabubuti ng mahal ko,” ani Julia.
Kinumusta rin ang aktres at ang kanyang manliligaw at co-star din sa pelikula na si Enchong Dee. “Okay naman, ganun pa din. Ha-ha-ha,” natatawang sagot ni Julia.
Sa loob ng pitong buwan ay magde-debut na si Julia at ligal na siyang makipagrelasyon. Pero hindi naman niya sinabing papasok na siya sa relasyon.
“Di ko pa alam. Let’s see in the future after my birthday,” aniya. “Basta ako focused ako sa work and sa family ko.”
Nang direktang tanungin kung malaki ba ang posibilidad na maging sila ni Enchong, sagot ni Julia, “Ayoko rin kasing magsalita ng tapos kasi baka mamaya sabihin ko walang chance tapos makita n’yo in the future (na kami na). Let’s see. Syempre kinikilala ko pa ‘yung tao.”

No comments:
Post a Comment