Aminado ang Kapuso star na si Lovi Poe na kinakabahan siya sa kalalabasan ng love scene nila ng actor na si Benjamin Alves sa kanilang pinagbibidahang pelikula na "Guni-Guni."
Kaya naman si Lovi na mismo ang humiling sa Regal Films na personal na tutukan ang editing sa daring na eksena ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Martes.
"Kasi, it was too much na when we were doing it, like, uhm, it's more than 'yong [sa] nagawa ko sa My Neighbor's Wife, kaya medyo, nailang ako," diin ng aktres.
Gayunpaman, tiniyak din ng Regal Films kay Lovi na hindi magiging malaswa ang kalalabasan ng kanyang daring scene.
Wika pa ni Lovi, "Pinagkatiwalaan ko naman si Mother [Lily Monteverde] at sila Direk Tara
Samantala, tutungong Italy si Lovi Poe sa unang linggo ng Setyembre para dumalo sa Venice International Film Festival dahil kabilang sa competition category ang pelikulang 'Thy Womb' na pinagsamahan nila ng Superstar na si Nora Aunor.
Ayon pa kay Lovi, "I'm so excited. I'm so so excited, uhm, hindi ko nga alam, eh, uhm, kung paano, kung anong mararamdaman ko."
Dagdag pa niya, "I'm just really looking forward to going to Venice, meeting a lot of people and basically going away for a while."
Lalakad sa red carpet si Lovi Poe kasama ang direktor ng pelikula na si Briliante Mendoza.
Maliban dito, tuwang-tuwa rin si Lovi sa iginawad na National Artist Award para sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.
"For Papa, I'm so sure, knowing him, it won't be necessary for him, but it's something that uhm, he's really amazing kasi enough na siguro for him na minahal siya ng tao and then now to be given such recognition, parang it's a huge thing talaga," pahayag ng aktres.

No comments:
Post a Comment